Upgrade to Chess.com Premium!

Paano ga ang Ruy Lopez?..Ala eh! Ganare...


  • 24 months ago · Quote · #1

    geniokov

    1.e4 e5 2.Nf3 Nc6 3.Bb5...Ito po ang tinatawag natin na Ruy Lopez Opening at standard po yan kahit anong variation ang suutin or puntahan natin.Lahat eh magdadaan muna sa 1st 3 moves ng White.Kung ikukumpara po natin ang pag-aaral ng Opening na ito eh maiihalintulad natin sa isang Punong Kahoy na kung alin po ang pinaka-puno nito eh sya ang 1st 3 moves at yung mga sanga naman po eh yun ang kung tawagin naman natin eh "variations".Ngayon,ibibigay ko po sa inyo ang Pinoy style standard explanation "Move by Move" kung bakit yun ang itinitira para po maintindihan ng lahat at para sa ating mga Pinoy.

    to be continue.....

  • 24 months ago · Quote · #2

    geniokov

    3...a6 (BAKIT?) Sa pamamagitan po ng move na ito,ihinuhudyat agad ng Black na magdesisyon agad ang White kung kakainin ang Knight sa c6 or aatras? Marami ang may katanungan sa "Manalo kaya ang White ng e5 pawn kung kakainin nya ang Knight?...Ang sagot po eh "NO!" Kung susuriin po natin,pagkatapos ng 4.Bxc6 dxc6 5.Nxe5 pwede pong makabawi ang Black by playing 5...Qd4!(attacking both Knight and e4 pawn or 5...Qg5! attacking both Knight at e5 and g-pawn)

    to be continue....

  • 24 months ago · Quote · #3

    geniokov

    4.Ba4...(BAKIT?) Mas makabubuti ang i-atras muna ang Bishop para mapamalagiing may attack sa Knight na sya ang sumu-suporta sa e5 Pawn nya.So,Ano ang dapat na tira ng Black?

    4...Nf6 (BAKIT?) Nararapat lang na gumawa ang Black ng sinasabi nating "counter-attack" di lang puro depensa. Inaatake naman nito ang White pawn sa e4 and besides,it continues his development! So,How can White proceed?

    5.O-O (BAKIT?) White ignores the attack at e4,instead,he continues to castle ASAP for his King´s safety Besides,hindi natatakot ang White na kainin ang e4 Pawn dahil may variation sya sa mind nya na after 5.O-O Nxe4 6.d4 exd4 7.Re1! at delikadong mapako ang Knight for "Open check" na sinasabi as it continues 7...f5 8.Nxd4 and 9.f3! and the Knight will be lost!

    to be continue.....

  • 24 months ago · Quote · #4

    geniokov

    5...Be7 (BAKIT?) Alam din naman ng Black at napag-isipan nya na delikado ang Knight for a "pin".Now,with this standard move,maiiwasan na ang variation na yun and pwede ng kainin ng Black ang e-pawn! So,How can White continue?

    6.Re1 (Bakit?) Kailangan na suportahan na ng Rook ang center pawn which is very important sa Opening na ito.

    6...b5 (BAKIT?) Dapat na paalisin muna ang White Spanish Bishop bago ang Black mag-castling.As if 6...O-O 7.Bxc6 dxc6 8.Nxe5 wins an important center pawn!

    to be continue.....

  • 24 months ago · Quote · #5

    geniokov

    7.Bb3 Atras!!!

    7...d6(BAKIT?) Nararapat lang na suportahan ang e5 pawn ng Black and to open another Bishop to come into play.Another is for Black´s Queen Knight to be free for movement and to support his fight in the control of the center,specially d4.

    8.c3 (BAKIT?) Tandaan: Kinakailangan ang move na ito bago itira ng White ang d4! Another point is to create a "scape pod" for his Bishop.Because kapag tumira ang White ng 8.d4? Nxd4! 9.Nxd4 exd4 10.Qxd4 c5! 11.Qd1 c4! at kulong ang Bishop! Ito po ang tinatawag natin na Noah´s Ark Trap!........Balik tayo sa move 8th ng White.....Yun po ang dahilan kung bakit "c3 before d4"!

    to be continue.....

  • 24 months ago · Quote · #6

    geniokov

    8...O-O (BAKIT?) Dapat na ma-secure na ng Black ang safety ng King nya bago magkaroon ng action na tinatawag sa center by White´s playing the move 9.d4.May mga katanungan po tayo sa sarili natin "Did Black ignores White´s 9.d4?"....Syempre hindi! Alam ng Black ang gagawin nya just in case White continue to play 9.d4 dahil may pang-contra sya na move 9...Bg4! which is to Black´s advantage na! That pin is highly irritating sa part ng White.So,Ano ang nararapat na move ng White naman?

    9.h3(BAKIT?) Dahil sa paliwanag ko sa taas,itong move na ito ay pamamaraan "prophylaxis" para maiwasan ang move ng Black na 9...Bg4.

    to be continue......

  • 24 months ago · Quote · #7

    geniokov

    9...Na5(BAKIT?) Nararapat lamang na palayasin ng Black Knight ang "Spanish Bishop" para bumaba ang pressure ng atake ng White.

    10.Bc2 (BAKIT?) Kailangan na itago muna ng White ang pinaka-importanteng pyesa which is the "Spanish Bishop"...this Bishop is the most important pieces! This should not exchange lightly ng ganun na lang.

    to be continue.....

  • 24 months ago · Quote · #8

    geniokov

    10...c5(BAKIT?) Dapat lang na itira ng Black ang move na ito para ma-neutral ang center at maiwasan ang "backward pawn" nya na c-pawn! How can White proceed?

    11.d4 (BAKIT?) Kailangan na itira ng White ang move na ito para makalabas ang mga pyesa nya tulad ng Bishop na nasa c1 at Knight sa b1.Another is to contest against Black for the control of the center.

    11...Qc7(BAKIT?) After White´s d4,this Queen maneuver by placing at c7 is important! Why?

    a) to support control or grip at both c5 and e5 in case of Pawn exchanges.

    b) to stablish immediate communication between both Black rooks

    c) to control c-file just in case of exchanges which may cause opening of c-file.

    to be continue.....

  • 24 months ago · Quote · #9

    doubleblade29

    very  good presentation, bro geniokov. i like this opening for white, very sharp. posible bang malagyan mo 'to ng diagrams, bro? mas madali kasi ma pick-up pag me visuals....

     

    but still, good job. thanks and keep it coming....

  • 24 months ago · Quote · #10

    geniokov

    12.Nbd2(BAKIT?) Kailangan na ma-control ng Knight ang square na c4 to prevent Black´s...Nc4 and to prepare his maneuver in the middlegame.The route of this Knight depends upon the type of middlegame.

    12...Nc6(BAKIT?) After this move,this will end the phase of Opening.Ang tinatanong dito eh White."Anong middlegame ang gusto mong gawin?"...Closed (13.d5 push) or Exchange (13.dxc5).........Now mga kapatid ko sa Ahedrez....Bago kayo tumira to enter Middlegame,set your own question?

    a)Anong transition to middlegame ang pwede sa style ko?Yung masasabi kong relaks ako.

    b) Magaling ba ako sa maneuvering of pieces or sa or sa wing attack kapag closed na ang center?

    Mga Brods,beyond this 13th move...you must remember that your opponent start to play "According to PLAN,not only just a mere MOVE!"

    Salamat po at sana eh malaking tulong po sa inyo ang ginawa ko.Smile

  • 24 months ago · Quote · #11

    geniokov

    doubleblade29 wrote:

    very  good presentation, bro geniokov. i like this opening for white, very sharp. posible bang malagyan mo 'to ng diagrams, bro? mas madali kasi ma pick-up pag me visuals....

     

    but still, good job. thanks and keep it coming....


     Brod,Pasensya na at di ko masyadong makabisado pa ang diagrams dito.Actually,dapat kanina pa akong tapos but ng ipinasok ko as a new forum.Biglang nawala lahat! Siguro sa sobrang kahabaan ng topic.Kaya mapapansin mo na puro "to be continue..." ang topic ko.Ayaw tanggapin dito ng sobrang haba....Smile.Sensya na po mga brods.

  • 23 months ago · Quote · #12

    prensdepens

    Bro Geniokov, thanks sa posting mo abou the Ruy Lopez opening. Very nice!


Back to Top

Post your reply: