Upgrade to Chess.com Premium!

1ST BANGKAL KIDDIES AGE-GROUP CHESS HANDA NA SA MAKATI

  • Boyet_Tardecilla
  • on 4/28/11, 7:12 PM.

To:  Sports section pls.

1ST BANGKAL KIDDIES AGE-GROUP CHESS HANDA NA SA MAKATI

Tutulak na sa Mayo Uno ang pagsisimula ng 1st Bangkal Kiddies Age-Group Chess Tournament  sa sampu ng umaga sa Bangkal Elementary School kalapit ng Barangay Bangkal, Makati City.  Ang torneyo ay inorganisa ni Oscar Parro na siya rin Presidente ng Parents, Guardians and Trainers Chess Association (PGTCA) at darating sa pagbubukas ng torneyo sina Barangay Chairman Fermin Eusebio, SK Chairwoman Crisselle Mael Rele, NAPCA Chairman Atty. Rommel Tacorda, Makati Chess Club President Atty. Vicente Aceveda at Kagawa Francis Cosio.

 

Maagang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon ang Espiritu Santo Kiddies ni Coach Rainier Valenzuela, La Immaculada Concepcion ni Coach Expedito Bolico, Laguna Players ni Coach Rey Yaon at Makati Youth Players ni Coach Francis Magpily. Ang palaro ay bukas sa lahat ng mga kiddies na mula sa Metro Manila at sa mga kalapit probinsiya na ang mga papremyo ay parehas na ipapamahagi sa dalawang kategorya: Idad 14 pababa at Idad 10 pababa; Champion- P 1,000, 2nd Place - P 500, 3rd Place – P 300 na may mga kasamang tropeo. Ang lahat na manlalaro ay pagkakalooban din ng certificate of participation, sangayon kay Parro. 

Ang pormat ng palaro ay isasagawa sa Seven (7) Rounds Swiss System na may twenty five (25) minutes bawat manlalaro hanggang sa matapos ang laro. Ang superbisyon ng palaro ay pamumunuan ng National Association of Philippine Chess Arbiters (NAPCA).

Sa mga interesado na sumali ay makipagugnayan lamang kay PGTCA Oscar Parro sa tel. blg. 514-3485, 0932-298-29424 o sa 0927-563-1809.  Ang Entry Fee ay P 150 lamang

744 reads 0 comments
0 votes

Post your reply: