Upgrade to Chess.com Premium!

PANAWAGAN SA SAMBAYANG PILIPINO

  • RommyB
  • on Wed, 4/27/2011 9:14am.

                         " P A N A W A G A N "

Magandang Araw po sa lahat ng Sambayanang Pilipino.    Napakasarap alamin ang malaking tulong ng ginawa ng ating Super Admin na walang iba kundi si sir Ray Duque III na mag-umpisa at bigyan ng kahulugan ang "Pagka-kaisa ng mga PInoy at PInay na pagsamahin sa ating Isang Bayang Pilipinas".   Si Kuya Ray po ay nagmungkahi,  nanguna,  nagsakripisyo at nagbigay ng magandang halimbwa ng "kababaang-loob" tungo sa kabutihan at kaunlaran sa pag-iisang lahi, isang samahan at isang Team para sa pangalan ng Pilipinas.

Siya rin po ang Super Admin ng Team Philippines, na ngayon nga po ay tinaguriang  Team Philippines United.   "United"  dahil dito ay pagsasama-samahin na ang lahat ng Pinoy at Pinay para sa mga paghamon, paglaban at palilitunggali sa ibang bansa na nagsama-sama rin para sa isang layon, sa isang mithi ang katagang "Tagumpay !"    Halimbawa na po dito ay ang team ng "ASIA",  isang malakas na grupo po ito.  Ang "TEAM EUROPE"  isa pa rin po itong napakalakas na magkakasamang nasyon na pinagtipon-tipon.  Ngunit ang mga "Pinoy at Pinay"  ay hindi nagugulat,  natatakot,  nagigimbal sa mga grupong samahan na ito !  Ako po ay nananawagan sa Sambayanang Pilipino na "Panahon na Para Magsaya"  sa wika ni Sampaguita;  "Upang Tayo'y Magsama-sama"  sa salita ni Pepe Smith sa Himig Natin  na isakatuparan na po natin ang matagal na isinisigaw ng Sambayang Pilipino.  Bigyan na po natin ng katuparan at kahulugan ang pagsasakripisyo ni Kuya Ray Duque na tayo po ay mag-isang Lahi na !  mag-isang grupo na ! magkapatiran na ! at maging malakas,  matatag,  masigasig sa digmaan ng ahedres !

Ang tawag  po ngayon sa ating  pinagsama-samang grupo ay "Nagkaisang Team ng Pilipinas"  o sa salitang banyaga/internacional  ito po ay ang

                          "TEAM  PHILIPPINES  UNITED"

United po ay sa dahilan ang mga PInoy at Pinay ay pinagsama na sa ating orihinal, at lehitimong pangalan ng Bansang Pilipinas.

Sa ngayon po ay may paghamon ang  Team Romania  sa 16 Teams Knockout Series Tournament at ipamalas natin ang ating LAKAS, TIKAS AT TIGAS  sa buong mundo na tayo po ay HANDANG MAGKAISA AT HUMAMON SA SINOMANG TEAM,  SAAN MAN SA MUNDO  NA ANG "TEAM PHILIPPINES UNITED"  ANG NO.1

MABUHAY SI K. RAY !,   MABUHAY TAYONG LAHAT !!  MABUHAY ANG SAMBAYANG PILIPINO !,  MABUHAY ANG TEAM PHILIPPINES UNITED  !!!

Umaasa po tayo at nagpapasalamat sa  Panginoong Diyos na nagbigay ng katuparan sa lahat.   At ganoon na sa ating mga Kapatid na nagbigay halaga sa pagkakataong ito !    MABUHAT  AT  HALLELUJAH !

Lugod na Gumagalang,

Bro. RommyB

717 reads 13 comments
0 votes

Comments


  • 11 months ago

    gijoe29

    paano ba pagsali jan?

  • 13 months ago

    RommyB

    Mga Kapatid !

    Maraming Salamat sa mga posting ninyo dito sa panawagan natin !

  • 13 months ago

    sjordanico

    pano po ba sumali!?

    pwede patoro?!

  • 13 months ago

    reynoldsman

    inclue me

  • 13 months ago

    pilipino20

    sAli ako d2

  • 13 months ago

    guisadiovic

    sali ako jan hehehehe

  • 13 months ago

    GYC

    Puedeng subukan..paano ba ang formal na registration bilang miembro ng TPU?

  • 13 months ago

    philbertsky

    Mabuhay si Brod RommyB!

    Mabuhay si Brod RayD!

    Mabuhay ang lahat ng ating superadmins at admins, concurrent at ex!

    Mabuhay ang koponan ng Team Philippines United!

    Mabuhay ang lahat ng ating manlalaro ng chess na may diwa at nagtataguyod ng pagkakaisa sa isang koponan!

    Let's go and give 'em all a good fight and lasting fun!

  • 13 months ago

    Al-khatib

    ako pa ay agree . . . mag jojoin po ko dun

  • 13 months ago

    vladimer

    Ok po iyon saakin

  • 13 months ago

    RayDuqueIII

    Maraming maraming salamat sa komplemento ni Rommy at sa inyong lahat dun sa bagong Team Philippines United natin. Tama at totoo lahat ng sinabi ni Rommy dito na gustong gusto ko sanang mag kaisa at mag tulungan tayong lahat. Ito ay ginawa ko na noon pa. Nanawagan ako at gumawa pa tayo nang Chess Federation HQ dito para dun nating pag usapan ang pag kakaisa at pagtutulungan nating lahat. Pero sa panawagan at ginawa kong yan ay walang nangyari dahil may mga membro nang TPCO na komontra at nag tanong nang nag tanong kung ano ano sa akin. Maraming mga sinasabi sa akin kaya sabi ko ay walang manyayari sa panawagan ko. Ang panawagan kong ito ay tinigil ko dahil sa inaakala kong walang mangyayari at wala namang tumulong sa aking panawagan. Pero ito ay sunundan ni Rommy na manawagan sa TPU HQ. Ang sabi ko sa kanya ay umpisahan na niyang manawagan sa ibang Pinoy Teams at sa Federation HQ natin. May mga message na raw siya sa mga Founders at SA ng mga ibang Pinoy Teams pa sa pagkakaisa at pag tutulungan nating lahat.

    Si Rommy ang nag bago ng pangalan ng team natin. Ginawa niyang Team Philippines United dahil sa kagustuhan niyang mag kaisa, mag kasamasama, mag katulungan tayong lahat.

    Nagkaroon ng 16 Team KO Tourney dito sa chess dot com. Ang gumawa ng KO tourney ay inimbitahan ang PCP sa tourney bago maimbitahan ang TPU. Nang makita ko na dalawang team tayo dun sa tourney ay kinausap ko si Rommy na hindi puwedeng mag laban o sumali ang dalawang team natin. Dahil dito ay ini withdraw ko ang PCP para bigyan ng lugar ang TPU dahil ang TPU ang siyang nag dadala ng ating Bandila dito at isa pa ay para mag kaisa at mag tulungan tayong lahat para sa TPU tayong lahat maglaro. Maitayo natin ang Bandila nang ating Bansa.

    Kaya mananawagan uli ako sa inyong lahat na mag kaisa at mag tulungan na tayong lahat. Ako ay nakahanda sa sakrepisyong gagawin nating lahat. Maraming salamat uli sa inyong lahat ay Mabuhay tayo.

    Ang inyong kaibigan at kababayan,

    Ray

    Ray Duque III (GMBD), New York City

Back to Top

Post your reply: