Kuya Ray, musta po kayo dyan sa NY? naway nasa mabuti po kayong kalagayan. prang na meet na kita sa Chessmaniac.com, di ba nasa Team ka ng Daligcon Paws? pero mtagal na kasi yun medyo hindi ko naalala kung ikaw yun, umuwi ka pa nga sa Pinas noong Dec at may pa premyo ka pa ng 50USD pg may mkasagut sa hula mo.hehe. cge ingat nlng po kayo kuya.
Mabuti naman ako theSeals, salamat sa iyo. Ikaw? Kamusta ka naman? Mabuti naman na meet mo na ako sa Chessmaniac. Ako nga yon. Nandun nga ako sa Pilipinas noong Nov 2008 hanggang Feb 2009. Ang pa premyo ko ay 50USD sa 1st, 30USD sa 2nd at 20USD sa 3rd. Hindi ko pa naibibigay ang premyo sa mga nanalo dahil hindi pa nila naibibigay ang address nila sa akin at hindi naman kami nagkita kita sa get together. Iisa lang ang na meet ko dun pero nabigyan ko siya ng 1USD dahil sabi ko nga ibibigay ko yon sa lahat ng makikita ko dun. Si Rommel (Torre) ang na meet ko dun. Pero ibibigay ko yong premyong yon sa susunod na balik bayan ko. Hihigiin ko sa kanila ang address nila para ipadala sa kanila ang premyong yon. Ang mga nanalo ay sina Dalf (1st), nalimutan ko kung sino ang 2nd pero natatandaan ko pag nag punta ako sa chessmaniac at si Judee (3rd). Nasabi ko na ke Dalf at Judee na padadala ko sa kanila yon sa susunod na balik bayan ko. Pero yong 2nd place ay ime-message ko pa siya. Ano ba ang username mo sa chessmaniac? Sana mag kita tayo sa susunod na balik bayan ko.
nice picture sir...
ako din sir ray duque parang sa chessmaniac o sa schemingmind.com kita na meet :)
Mabuti naman Monrae na meet mo ako sa chessmaniac o schemingmind. Parehong may account ako dun hanggang ngayon. Sa chessmaniac naglalaro pa ako hanggang ngayon. Sa schemingmind ay hindi na masyado ngayon. Salamat at Mabuhay.
bunso po tawag nyo sa akin.. kasi ako pinakabata at that time :) i think i was 20 at that time :) oo nga mabuhay tayo.. :)
Okay bunso, yan ang itatawag ko sa iyo. Pag nakalimutan ko ang tawag ko sa iyo paki paalala lang ha. Salamat sa pag sali mo sa team (PCP) natin. Sana mag enjoy ka dito sa team natin.
haha.. i think di na ako pinakabata dito :) sure.. update if my team tournament or activities sir para makasali ako please..thanks.. taga.saan pala kayo sa pinas sir? :)
Para makasali ka sa team matches bunso, click mo lang yong PCP sa kanan sa ibaba ng profile/homepage mo. Pag click mo nun ay click mo yong Team Matches sa Group Menu ng profile/homepage ng PCP. Pag click mo nun ay click mo yong mga View na gusto mong salihan sa team matches na puwede sa rating mo. Pag click mo nun ay click mo yong Join this Match.
Taga Pangasinan at Metro Manila ako sa Pinas bunso. Ang Tatay ko ay taga Pangasinan pero nag migrate kami sa Metro Manila noong bata pa ako hanggang sa mapunta ako dito sa NYC. Kaya nasabi ko sa iyo na taga Pangasinan at Metro Manila ako.
oic. layo pala natin. hehe. anyways thanks sa info po :) try ko sumali para tataas rating ko :)
Join Chess.com for free to add your comment! Already a member? Then login now to comment.
Share your photos with friends!
Create a photo album