73rd Tata Steel Chess Round 8 Results: So, solo leader na, apat na sunod na panalo nadale!!

manfrommanila
manfrommanila
Jan 23, 2011, 6:01 PM |
0

Solo leader na si Wesley So ng Pilipinas pagkatapos ng 8 round ng talunin ni So si Wouter Spoelman,habang natalo naman ang kasosyo sa liderato na si Efimenko kay Vladislav Tkachiev,habang tabla naman ang laro ni Luke McShane ng England kay Gabriel Sargissian.

 

Bumagsak sa ikalawang puwesto si Luke McShane ng England ng makatabla laban kay Gabriel Sargissian ng Armenia.

 

 

 

Isang malaking upset ang ginawa ni Vladislav Tkachiev ng France (2636) ng talunin niya ang nagunguna sa standings at may mataas na FIDE rating na si Zahar Efimenko (2701) ng Ukraine . Dahil dito lumagpak sa ikatlo hanggang ika limang puweso kasosyo si top seed Radoslaw Wojtaszek at Gabriel Sargissian na may 5 puntos.