Round 2 2010 Chess Olympiad: Major, Major Surprises

manfrommanila
manfrommanila
Sep 23, 2010, 12:47 AM |
0

Gumawa ng isang major,major upset ang koponan ng Vietnam sa 2nd round ng 2010 Worls Chess Olympiad nang maungusan nito ang Azerbaijan na pinangungunahan ng dalawang super GM na sina Shakhriyar Mamedjarov at Teimour Radjabov.Si GM Nguyen Anh Dung ang naging bida ng talunin  niya si GM  Rauf Mamedov (2660)para sa 2.5:1.5 panalo.Simpleng tactics lamang na kahit sinong master ay makikita sa ika 13 sulungan para lumamang ng quality ang itim ang yumari kay Mamedov.Tabla lahat ang tatlong board  Mamedjarov- Le Quang Liem;Nguyen Ngoc Truong Son-Teimur Radjavob at Dao Thien Hai-Gadir Guseinov. Muntik lang maka-upset ang Pilipinas laban sa Malakas na koponan ng Spain ng magtabla ang ang mga laro sa tatlong board. Tabla si GM Wesley So laban kay Alexei Shirov, tabla din si GM Darwin Laylo kay GMJrdi Magem Badals at sa tabla rin nauwi ang laban ni IM Richard Bitoon kay GM Daniel Alsina Leal. Tanging si GM John Paul Gomez ang natalo sa kanyang Board 2 laban kay GM Ivan Salgado Lopez.Isa pang ASEAN country ang Indonesia  ang gumawa ng sorpresa ng makatabla ito sa team Israel na may lamang na 200 ELO rating point sa kanila.