Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

CHESScom
CHESScom
Ene 1, 2017, 2:11 PM |
11 | Para sa mga Baguhan

Naghahanap ka ba ng lugar na kung saan maaaliw ka sa magandang laro ng chess? Siguro tinatanong mo ang sarili mo: Ano ang pinakamahusay na lugar para maglaro ng online na chess?

Ang Chess.com ang pinakamahusay na lugar para maglaro ng chess na online. Nasa aming live server ang lahat ng katangian na maaari mong gustuhin:

1. Ang Pinakamaraming Manlalaro

Ang Chess.com ang di-hamak na may pinakamaraming manlalaro ng chess na naka-online kahit anumang sandali. Kahit ikaw ay baguhan pa lamang, marami nang karanasang manlalaro ng club, o grandmaster, mabilis at madali kang makakakita ng laro kasama ang mga tugmang kalaban.

null

2. Ang Pinakamahusay Na Online Interface

Ang Chess.com ay may maganda, maayos, at modernong interface para sa chess. Lahat ng kailangan mo ay nandito at wala ditong hindi mo kailangan. Makipaglaro sa kaibigan o magbukas ng hamon. Makipag-chat sa iyong mga kaibigan at iyong mga kakumpetensya. Sundan ang mga nangungunang manlalaro. I-review ang iyong mga laro gamit ang board na panuri. Walang limitasyon ang mga pagpipilian!

Gusto mong ipasadya ang iyong karanasan sa paglalaro? Ang Chess.com ay may alok na walang limitasyong themes at maraming customization ng iyong chess playing interface.

null

3. Maraming Mga Time Control At Variant

Hinahayaan ka ng Chess.com na maglaro ng chess ayon sa kagustuhan mo sa pamamagitan ng pag-alok ng mga time control mula 10 segundo kada laro hanggang sa maramihang araw! Laging merong oras para maglaro sa Chess.com.

Sinusuportahan din ng Chess.com ang mga sikat na variant gaya ng Chess960, Bughouse, 3-Check, at King of the Hill.

null

4. Mga Paligsahan

Gusto mong taasan ang nakataya? Subukan ang paligsahan! Ang aming mga libreng paligsahan ay pinapayagan kang itapat ang iyong galing laban sa grupo ng mga manlalaro, nakikipaglaban para mapunta sa itaas ng leaderboard. Sa mga paligsahang may iba't-ibang porma at time control na nagsisimula tuwing ilang minuto, laging merong lugar para makipagtunggali.

null

5. Focus Mode

Ayaw mong maistorbo habang naglalaro? Gamitin ang aming sikat na Focus Mode para mapunta sa kung ano ang importante: ikaw, ang kalaban mo, isang board, at isang orasan. Pindutin lamang ang "Z" para makapasok sa Focus Mode sa laro mo.

null

6. Pinakamahusay na Fair Play System
Wala nang mas masama pa sa kakatuwang pakiramdam na ang kalaban mo ay hindi tao. Ang Chess.com ay may pangkat ng mga propesyonal na nakalaan para siguruhing walang manlalaro na gumagamit ng tulong sa labas.
Ang aming fair play system ay pinaparusahan din ang mga manlalarong umaalis sa mga laro, nag-aantala, o gumagawa ng iba pang nakakaasar na pag-uugali. Kami ay nakatutok para siguruhing lahat ng manlalaro ay nagtatamasa ng masaya, patas na laro.

Kung handa ka nang maglaro ng online na chess, mag-sign up sa Chess.com!

Mga iba pang galing kay CHESScom
Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Ano Ang Pinakamahusay Na Chess Site?

Ano Ang Pinakamahusay Na Chess Site?