Ang Posibleng Pinakamabilis na Mate sa Chess

Ang Posibleng Pinakamabilis na Mate sa Chess

CHESScom
CHESScom
Ene 1, 2017, 1:58 PM |
8 | Para sa mga Baguhan

Naitanong mo na ba: "Ano ang posibleng pinakamabilis na mate sa chess?" Ito ay ang dalawang-tirang mate.

Ang dalawang-tirang mate (kilala sa walang-galang na fool's mate) ay tunay na kahangalan at kailangan ng napakasamang tira mo o ng iyong kalaban. Dapat ang unang tira ng Puti ay isa o dalawang square para sa f-pawn. Pagkatapos ay titira naman ang Itim ng e-pawn para makalabas ang reyna. Ititira naman ng Puti ang g-pawn nang dalawang square, para makapunta ang itim na reyna sa h4: checkmate!

Two-Move Checkmate

Bilang Puti, paano mo maiiwasan ang dalawang-tirang mate? Basta't huwag mo lang itira ang f-pawn! Mabuting pangkalahatang payo ito para sa mga baguhang manlalaro. Ang pagtira ng f-pawn ay nagbubukas ng mga delikadong linya papunta sa hari, at makabubuting iwasan ito habang natututo ka pa lamang maglaro. Kung hindi mo ititira ang f-pawn, kahit na grandmaster ay hindi ka pwedeng i-checkmate sa dalawang tira. 

Ngayong alam mo na ang checkmate na ito, bakit hindi ka gumawa ng Chess.com account at simulan ang sarili mong laro? Hindi ito mapupunta sa masama!

Mga iba pang galing kay CHESScom
Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess