Ang Una Mong Chess Set

Ang Una Mong Chess Set

CHESScom
Ene 1, 2017, 2:30 PM |
7 | Para sa mga Baguhan

Natutunan mo kung paano maglaro ng chess, at nakapaglaro ka na ng ilang larong online, pero ngayon ay gusto mo nang magkaroon ng chess set para sa iyong tahanan para makapaglaro ka ng "over the board".

Pero anong klaseng chess set ang dapat mong kunin?

null

May apat na uri ng chess set. Bawat isa ay magkakaiba ang layunin.

1. Mga Pang-Club/Paligsahang Chess Set

Ito ay ang mga basic, mura, at praktikal na chess set. Ang mga piyesa ay gawa sa plastic at ang mga board ay gawa sa vinyl. Karamihan sa mga seryosong manlalaro ay mayroon nito sa tahanan dahil ito ay madaling bitbitin at gamitin.

null

Litrato: Wikimedia.

2. Mga Kahoy Na Chess Set

Ang mga set na gawa sa kahoy ay maganda at praktikal na paglaruan, pero hindi ito mura. Ang mga kahoy na chess set ay maaaring magkahalaga mula $100 hanggang lampas $1,000 depende sa kalidad ng kahoy at detalye ng pagkakaukit.

null

Litrato: Wikimedia.

3. Mga Chess Set Na Electronic

Ang mga set na electronic ay hindi na masyadong sikat sa ngayon dahil madali na ang online na paglalaro ng chess. Gayunman, kung naghahanap ka ng simpleng kalabang kompyuter, pwedeng magbigay saya ang electronic set.

null

Litrato: Wikimedia.

4. Mga Pampalamuting Chess Set

Maraming klaseng mga chess set na ginawang kaakit-akit. Mula sa mapalamuti hanggang sa abstract, makakakita ka ng chess set na gawa sa halos kahit anong materyal at kahit na anong tema. Pero pang-display lang ang mga ito at hindi praktikal para sa totohanang laro.

null

Kung ikaw ay humahanap ng mabibiling chess set, tingnan ang Wholesale Chess.

Mga iba pang galing kay CHESScom
Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess