Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

CHESScom
Nob 22, 2017, 12:05 AM |
0 | Magsaya at Trivia

"Walang nakakaalam, kahit tantiyahan lang, kung gaano karami ang naglalaro ng chess, at walang dapat magkunwaring alam nila." -- Edward Winter1

Chess ba ang pinakasikat na laro sa mundo?

Habang walang makakapagsabi nang tiyak, narito ang ilang pagtatantiya sa bilang ng mga manlalaro ng chess, mga miyembro ng Chess.com, mga manlalaro sa paligsahan, at mga grandmasters.

Kabuuang Bilang ng mga Manlalaro: 600,000,000

Itong madalas na banggiting bilang ng mga manlalaro ng chess na naglaro sa nakalipas na taon ay ibinigay ng FIDE (Fédération Internationale des Échecs)nung 2012. Ang bilang ay tinantiya mula sa survey data ng2.

Ang ibang tantiya ay umaabot ng isang bilyon, tantiyahang tila galing sa usap-usapan lang, at dating katamtamang tantiya ng FIDE na 200-300 milyon3. Habang wala naman talagang makapagsasabi ng totoong bilang ng mga manlalaro, maliwanag na ang chess ay isa sa mga pinakasikat na laro sa mundo ngayon at sa nakaraang panahon.

Chess Players In Central Park | Robert Hess

Mga manlalaro ng chess na pumupuno sa Central Park sa NY. | Litrato: Robert Hess.

Mga Miyembro ng Chess.com: 20,000,000+

Habang sinusulat ito, lumagpas na sa 20,000,000 ang miyembro ng Chess.com. Ang pangkasalukuyang bilang ng mga miyembro ng Chess.com ay laging makikita sa homepage ng Chess.com.

Sa mga ito, mahigit isang milyon ang aktibo sa araw-araw. Habang ang Chess.com ang pinakasikat na website ng chess at mayroong pinakasikat na chess app sa mundo (at ang pinakamahusay sa opinyon namin!), milyun-milyon din ang palagiang naglalaro ng chess sa ibang website, apps, at over the board.

Gusto mo bang subukan ang Chess.com? Gumawa ng libreng membership ngayon!

20,000,000 members on Chess.com

Mga Pampaligsahang Manlalaro: 360,000+

Ang FIDE ay mayroong mahigit 360,000 aktibong mga pampaligsahang manlalaro sa kanilang database ng mga miyembro4. Ang mga manlalaro ng chess ay nakarehistro sa FIDE kapag sila ay lumalaban sa mga internationally rated events. Habang bukas ang mga ganoong event sa lahat ng mga interesadong manlalaro, yun lamang mga seryosong manlalaro ng chess ang karaniwang umaakyat sa ganoong antas.

Mga 185 bansa at estado ang may membership sa FIDE5. Marami sa mga miyembrong bansang ito ay mayroon ding sariling listahan ng mga pambansang rehistro ng mga pampaligsahang manlalaro. Halimbawa, noong 2016, ipinahayag ng U.S. Chess Federation na mayroon silang mahigit 85,000 rehistradong mga pampaligsahang manlalaro sa kanilang mga miyembro6. Maliit na bahagi lamang nito ang nakarehistrong internasyonal sa FIDE.

FIDE Chess

Mga Grandmasters: 1,594 at patuloy pa sa pagdami

Ang pinakamataas na titulo sa chess ay GM (International Grandmaster7), titulong iginagawad ng FIDE. Para makamit ang titulong grandmaster, ang manlalaro ng chess ay dapat panatilihin ang napakataas na antas ng laro, makakuha ng tatlong "grandmaster norms" at makamit ang Elo rating na 2500. Maliit lang na bahagi ng mga manlalaro sa paligsahan ang nakakarating sa antas na ito.

Habang sinusulat ito, may 1,594 grandmasters sa mundo. Sa mga ito, 1,559 ay lalake at 35 ang babae. Ang proportion na ito ay naaayon sa bilang ng mga lalake at babaeng naglalaro ng chess.

Judit Polgar

Si GM Judit Polgar ay nakamit ang titulong International Grandmaster sa edad na 15 taon, 4 na buwan. Noong panahong iyon, siya ang pinakabatang GM sa kasaysayan. | Litrato: Wikipedia.

Citations:

  1. Edward Winter on counting chess players
  2. FIDE press release
  3. David Kaplan, CEO of Development for FIDE
  4. FIDE member list
  5. FIDE
  6. US Chess
  7. Grandmaster
Mga iba pang galing kay CHESScom
Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ano Ang Pinakamahusay Na Chess Site?

Ano Ang Pinakamahusay Na Chess Site?