Paano Mag-Set Up Ng Laro Ng Chess

Paano Mag-Set Up Ng Laro Ng Chess

CHESScom
CHESScom
Mar 3, 2017, 12:00 AM |
15 | Para sa mga Baguhan

Madali lang ang mag-set up ng laro ng chess. Ang pwedeng mahirap ay ang paglalaro.

Narito kung paano mag-set up ng laro.

Step 1: Magdesisyon kung saan maglalaro. 
Gusto mo bang maglaro sa totoong board kasama ang kaibigang malapit sa iyo? O gusto mong makipaglaro sa isa sa mga milyun-milyong naka-online na tao? Hindi ka pwedeng magkamali alinman ang piliin!

Para maglaro sa totoong board kakailanganin mo ng chess set. Para maglaro nang online, mag-sign up lang sa Chess.com (libre ito).

Step 2: I-set up ang board. 

Bago mo masimulan ang laro, kailangan mong i-set up ang board. Kung baguhan ka sa laro, siguraduhin mong i-review kung paano i-set up ang board. Kung online kang maglalaro, ise-set up ito para sa iyo.

Step 3: Hamunin ang kalaban mo. 
Kung sa bahay ka naglalaro, pwede kang magiliw na maghamon nang harapan. Kung gusto mong maglaro nang online, pwede kang makipaglaro sa isang random na kalaban, o hamunin ang kaibigan na makipaglaro. Manalo nawa ang pinakamagaling na manlalaro!

Step 4: Gawin ang una mong tira. 

Kapag nagsimula na ang laro, oras na para gawin ang unang tira mo. Kung hindi mo alam kung paano tumira, tingnan ang aming artikulong tungkol sa patakaran ng chess. Kung alam mo na kung paano maglaro pero hindi pa sigurado sa pinakamahusay na mga tirang pang-opening, subukan itong artikulong tungkol sa pinakamahuhusay na opening para sa mga baguhan.

Step 5: Maging mabait na kalaban. 
Laging tandaan na gamitin ang golden rule kapag nakikipaglaro sa iba. Huwag kang gumawa ng anumang ayaw mong gawin nila. Kasama na dito ang mag-antala, maagang iwanan ang laro, o magsabi ng masasamang bagay. Maging maalalahaning kalaban at matutulungan mong maging mas magandang lugar ang laro (at ang mundo).

Kung ikaw ay naghahanap ng magandang lugar para i-set up ang iyong susunod na larong chess, subukan ang Chess.com.

Mga iba pang galing kay CHESScom
Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess