Paano Manalo Sa Chess

Paano Manalo Sa Chess

CHESScom
CHESScom
Ene 1, 2017, 12:00 AM |
18 | Para sa mga Baguhan

Paano mo mapapanalunan ang larong chess?

Ang layunin ng chess ay i-checkmate ang iyong kalaban.

Nangyayari ang checkmate kapag ang hari ay inaatake ng ibang piyesa at hindi na makawala pa. Sa puntong iyon, tapos na ang laro. Pero ang checkmate ay hindi nangyayari nang walang paghahanda.

Para manalo sa chess anim na bagay ang kailangan mong gawin:

1. Gumawa ng mga Magagandang Tira sa Opening
Ang layunin ng mga una mong tira sa chess ay kontrolin ang board. Ang pinakaimportanteng bahagi ng board ay ang sentro. Kung makokontrol mo ang sentro gamit ang iyong mga piyesa at pawns, pwede mong idikta ang direksyon ng laro. Sa posisyon sa ibaba, ang dalawang pawn ng Puti ay perpektong kinokontrol ang sentro ng board habang wala namang impluwensya ang Itim.

2. Huwag Libreng Ipamigay ang mga Piyesa

Ang makipagpalitan ng mga piyesa ay normal na bahagi ng chess, pero ipagpalit mo lamang ang mga piyesang may kaparehong halaga. Maraming natatalong mga manlalaro dahil pinamimigay lang nila ang kanilang mga piyesa at pawns nang walang kapalit. Sa kabilang banda, dapat mong kainin ang mga materyal na ibinibigay sa iyo ng kalaban mo nang libre (pero mag-ingat sa mga patibong).

3. Dalhin ang Iyong mga Piyesa sa Posisyon
Bago mo mapuntahan ang hari, kailangan mong ilagay sa posisyon ang iyong mga piyesa para umatake. Ibig sabihin nito ay gugustuhin mo ng aktibong mga piyesa ng chess na maraming opsyon.

Ang mga pawn ay kumokontrol ng mga square. Ang mga kabayo ay gusto sa sentro. Ang mga bishop ay gusto ng mga mahahabang diagonal. Ang mga rook ay gusto na nakalinya sa sentro o mga nakabukas na file. Dapat ang reyna mo ay nakahandang pumunta sa aksyon.

4. Ikoordina ang Atake sa Hari
Karaniwang hindi mo kayang i-checkmate ang hari gamit ang isang piyesa lamang. Maraming piyesa na magkakasamang nagtratrabaho ay ang karaniwang nakaka-checkmate. Madalas kailangan mo ng isang piyesa para ma-check ang hari, at kahit isang piyesa man lang na dumedepensa sa piyesang nagche-check para hindi ito makain ng hari. At minsan kailangan mong magsakripisyo ng marami pang piyesa para buwagin ang depensa ng kalaban.

5. Bantayan ang Kaligtasan ng Sarili Mong Hari

Minsan ang mga manlalaro ay sobrang nakatuon ang pansin sa hari ng kalaban at nalilimutang bantayan ang kanilang sarili. Tandaan, ang kalaro mo ay naglalaro din at aatake din sa iyong hari. Siguraduhing tingnan ang mga bantang gawa ng bawat tira na ginagawa ng iyong kalaban. Isa sa pinakamabisang paraan para maging ligtas ang iyong hari ay ilagay ito sa likod nga mga nagtatanggol na pawns. Sa posisyon sa ibaba, maayos at ligtas ang hari ng Puti habang ang Itim naman ay madaling naatake.

6. Laging Maging Mabuting Manlalaro

Matalo man o manalo, laging batiin o pasalamatan ang iyong kalaban sa laro. Ang manalo at matalo ay bahagi ng laro. Kahit ang mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo ay madalas ring natatalo.

Kaya maging maginoo at mabait kapag tapos na, at magbigay ng oras para mag-isip kung paano magiging mas magaling sa susunod.

Be a good sport.

Para sa marami pang mga tip kung paano manalo sa chess, sumali sa Chess.com. Ito ay libre at madali lang!

Mga iba pang galing kay CHESScom
Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Gaano Karami Ang Mga Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess