PCP - (CSC 2013 Vote Chess Tournament)

Avatar of RayDuqueIII
| 4

Mga kasama, gusto ba ninyong sumali tayo sa CSC 2013 Vote Chess Tournament? O gusto ninyong TPU ang isali natin? O wag na tayong sumali sa vote chess na ito?

Gusto kong malaman dahil nag tatanong ang Admin ng CSC kung gusto nating sumali sa vote chess tournament nila. Pag sumali tayo sa vote chess nila dapat marami ang sasali sa vote chess. Bukod sa pag pag sali ninyo hindi basta mag mo-move kayo nang gusto ninyong move. Kailangan pag uusapan ninyo ang magandang move at bakit magandang move yon. Bukod pa diyan kailangan may Captain ang vote chess para siya ang mag sasabi na sa palagay niya ay magandang move yon. Kailangan sa Captain mataas ang rating niya para alam niya ang pinag uusapan para sa move ninyo at siya na rin ang mag co-confirm ng move na yon.

Ang vote chess ng PCP noon ay napakaganda ang rating dahil mahusay ang rating nang naging captain natin dito noon na si dyolens at yong mga naging kasama niya dito. Pero wala na sila ngayon dito kaya hindi na rin ako gumagawa ng mga vote chess. Ngayon nga tinatanong ako ng CSC kung sasali tayo sa vote chess tournament.

Kung gusto naman ninyong samali na wala nang usapan o captain sa vote chess para mag libang lang at mag saya sa larong vote chess puwede din tayong sumali doon. Basta may mag mo-move lang kahit papano para naman mag tagal ang laro hanggang nagsasaya at nag lilibang kayo. Tutal gusto ko lang sa inyo na mag libang, mag saya dito sa team natin manalo o matalo tayo sa laro.

Ron, kung mababasa mo ito ano sa palagay mo?

Naka rehistro na kasi tayong sumali doon.

Regards sa lahat,

Ray

Ray Duque III (GMBD), New York City

More News

4th DEC, start ng 2012 World League final round

4th DEC, start ng 2012 World League final round

2013 Asian League, Round 1

2013 Asian League, Round 1