TPU - PCP Teams
Mga kasama, nanawagan sa inyo si kabawka na ang mga hindi pa membro ng Team Philippines United ay mag join na din sa TPU. Kaya ako ay nananawagan din sa inyo na sumama na din kayo sa TPU tulad ng pag sama ninyo dito sa Pinoy Chess Philippines (PCP) noong inimbitahan ko kayo.
Ang TPU ay flag carrier natin para sa bansa nating Pilipinas na pagtulong tulongan nating itaas para maging numero uno sa chessdotcom. Ang Pinoy Chess Philippines (PCP) ay pag tulong tulongan nating mag practice ng laro dito, mag saya, mag libang, mag post, mag kuwentuhan at mga iba pang mga mabubuting gawain. Mag sama sama din tayo dito sa PCP para sa mga social games at sa grupo natin sa facebook kaya sumama na rin kayo sa grupo natin doon.
Ang TPU ay dating #5 noon na malapit na sana sa #4 pero bumaba dahil napabayaan natin dahil hindi tayo nag kaisa. Ngayon ay nasa #10 na lang tayo kaya dapat lang na mag sakrepesyo tayo ngayon alang alang sa TPU na flag carrier nang ating bansa. Bukod pa diyan ang TPU ay nag re-represent sa world league, asian league, ordinary cup, sa mga ibang team matches tournament.
Kaya ako ay nananawagan din sa inyong lahat na mag join na rin kayo sa TPU para sama sama tayo sa TPU at Pinoy Chess Philippines (PCP).
Maraming salamat sa inyong lahat at Mabuhay ang TPU-PCP teams. Mabuhay tayong lahat.
Ang inyong kababayan,
Ray
Ray Duque III (GMBD), New York City