Kwentong Wesley So

Sort:
Avatar of danitz

Sir karamihan po sa tin mga exploits and achievements lang ni idol Wesley So ang nalalaman... kaya naisipan ko po na magstart ng thread na ang tema parang "the story behind" para mas makilala natin si idol start ko po.

Una ko siya nakita sa commercial ng Promil pero nasa isip ko noon malakas lang sya sa age-bracket niya.

Nung minsan inisponsoran kami ng aming Univesity para makasali sa national elimination sa tingin ko 2005 non sa Mandaluyong Market(yata yun) yon ginanap. doon ko unang nakita si Wesley So ,eksaktong first round non katabi ko sya ang nakalaro niya ay si dela Cruz (limutan ko yung first name), sabi ko sa sarili ko swerte naman nito bata lang kalaro, ako na lang sana 1 point na agad (hehehe), di pa kasi gano sikat non si Wesley, syempre nga dahil sa katabi ko sya pinapanood ko rin yung laro nila napansin kong advantage ng konti si Wesley nasa isip ko nagkumpiyansa siguro tong si dela Cruz kasi bata.  Hanggang sa nanalo na nga si Wesley, naging mukhang upset lang yung laro nila, kasi di din basta-basta yung dela Cruz eh.

dahil nga malakas din yung field bandang 6th round, ako nasa kangkungan na ako, medyo nagtaka ako si Wesley nasa top board, sabi nila ang daming pinisak na masters, dun ako nagkainteres sumilip sa laro niya eksaktong wala akong kalaro, nadefault (kangkungan na nga kasi Embarassed), kalaro nya non si IM Nolte, yung result draw...  syempre maituturing na achievement pa rin yun. pasok sya noon sa finals (sya yung youngest and only 12 years old na nakagawa nun) samantalang ako uuwi na :(.

Maituturing ko siguro na maswerte ako maging saksi sa maitutuing na "Rise of Wesley So".

sensya na sir di ako magaling magkwento.

Avatar of mysql

Nice thread. Smile

Avatar of radcat

Ayos na istorya. Tsk tsk. Sana pala nakasali ka dun sa match sa Greeks. Natalo na tayo sa unang team match e.

I know Wes mostly from what I read from BW members' comments and watching his games for the past year.

Avatar of BW-SugarDom

We both like and watch Sponge Bob, heheSealed

Avatar of radcat

Ang daming pics dun sa BW yahoo group. Pics say a lot about the history of Wes and BW. Sir danitz, join the yahoo group and look at the pics. Wes has had get togethers with BW on a few occasions.

Avatar of mysql
radcat wrote:

Ang daming pics dun sa BW yahoo group. Pics say a lot about the history of Wes and BW. Sir danitz, join the yahoo group and look at the pics. Wes has had get togethers with BW on a few occasions.


 Hmm, can we migrate those pics here? Sealed

Avatar of radcat

I've already asked Sugardom. :)