Mga kasama, napag kasunduan namin ni ring0v, ang founder ng isang Pinoy team dito na magtutulungan kami sa pag tataas ng bandila ng Pilipinas para sa ating bayan. Kaya kailangan din namin ang inyong mga tulong para maitaas natin ang ating bandila. Hindi kasi namin kayang itayo ito kung kaming dalawa lang ang magtatayo at gagawa. Kailangan din namin kayong lahat.
Napag kasunduan din namin na itaas natin ang mga Pinoy teams at hindi lang isang team ang itataas natin dahil mas maganda kung maraming Pinoy teams ang nasa itaas kaysa sa iisa lang.
Para makatulong kayo sa amin ay sumama rin kayo sa ibang Pinoy teams na active kung hindi pa kayo membro sa Pinoy team na yon. Pag sama ninyo sa Pinoy teams na yon ay sumali na rin kayo sa mga team matches nang team na yon.
Nananawagan din ako sa mga SA at Admin nang bawat active na Pinoy teams na sana magumbida kayo nang mga magiging membro ng mga active na Pinoy Teams at pag sama nila sa team ay sabihin na rin ninyo sa kanila na sumali sila sa mga team matches ng active na Pinoy teams.
Ang pag kakaalam kong avtive na Pinoy teams dito sa chess dot com ay:
1. Team Philippines (TPU), ang Standard Bearer ng mga Pinoy teams
2. Pinoy Chess Philippines (PCP)
3. Philippine Finest Chess Club (PFCC)
4. The Pinoy Chess Olympiad (TPCO)
5. Brownknights Team Philippines (BTP)
6. Manila Boys Team Philippines (MBTP)
May mga iba pang mga Pinoy teams dito pero ang karamihan ay hindi na active dito. Yong iba naman ay hindi ko alam kung active din sila. Pag active yong Pinoy team na yon ay isasama rin natin sila sa pag tataas ng team na yon.
Magtulungan, mag sama sama at mag kaisa sana tayong lahat na noon ko pa sinasabi sa inyong lahat. Ano ang masasabi ninyo sa kasunduan namin? Palagay ko naman ay maganda ito. Salamat sa inyong lahat at Mabuhay tayong lahat.
that's a good idea, mas marami mas matatag, parang walis, pag pinagsama mo mapwersa, mas nakakapuwing sa mga kalaban, kc kaliwat kanan ang sumasampal sa kanila, at di natin tatantanan hanggang may kalaban.
Mga kasama, napag kasunduan namin ni ring0v, ang founder ng isang Pinoy team dito na magtutulungan kami sa pag tataas ng bandila ng Pilipinas para sa ating bayan. Kaya kailangan din namin ang inyong mga tulong para maitaas natin ang ating bandila. Hindi kasi namin kayang itayo ito kung kaming dalawa lang ang magtatayo at gagawa. Kailangan din namin kayong lahat.
Napag kasunduan din namin na itaas natin ang mga Pinoy teams at hindi lang isang team ang itataas natin dahil mas maganda kung maraming Pinoy teams ang nasa itaas kaysa sa iisa lang.
Para makatulong kayo sa amin ay sumama rin kayo sa ibang Pinoy teams na active kung hindi pa kayo membro sa Pinoy team na yon. Pag sama ninyo sa Pinoy teams na yon ay sumali na rin kayo sa mga team matches nang team na yon.
Nananawagan din ako sa mga SA at Admin nang bawat active na Pinoy teams na sana magumbida kayo nang mga magiging membro ng mga active na Pinoy Teams at pag sama nila sa team ay sabihin na rin ninyo sa kanila na sumali sila sa mga team matches ng active na Pinoy teams.
Ang pag kakaalam kong avtive na Pinoy teams dito sa chess dot com ay:
1. Team Philippines (TPU), ang Standard Bearer ng mga Pinoy teams
2. Pinoy Chess Philippines (PCP)
3. Philippine Finest Chess Club (PFCC)
4. The Pinoy Chess Olympiad (TPCO)
5. Brownknights Team Philippines (BTP)
6. Manila Boys Team Philippines (MBTP)
May mga iba pang mga Pinoy teams dito pero ang karamihan ay hindi na active dito. Yong iba naman ay hindi ko alam kung active din sila. Pag active yong Pinoy team na yon ay isasama rin natin sila sa pag tataas ng team na yon.
Magtulungan, mag sama sama at mag kaisa sana tayong lahat na noon ko pa sinasabi sa inyong lahat. Ano ang masasabi ninyo sa kasunduan namin? Palagay ko naman ay maganda ito. Salamat sa inyong lahat at Mabuhay tayong lahat.
Ang inyong kababayan,
Ray
Ray Duque III (GMBD), New York City