Team Match/Tournament
may silbi ba ang rating dito sa internet/computer kapag nanalo ka sa tournament or online. kasi baguhan lang ako dito dalawang linngo na.
may silbi ba ang rating dito sa internet/computer kapag nanalo ka sa tournament or online. kasi baguhan lang ako dito dalawang linngo na.
marlou, hindi ko alam kung paano kong ipaliliwanag ito sa iyo. Pero sisikapin ko kung ano ang nalalaman ko. Yon lang ang masasabi ko.
Ang rating dito sa internet/computer ay para lang sa rating ng kani kanilang chess site tulad dito sa chess.com. Sa ibang chess sites ay may kani kanila din silang rating kaya sa palagay ko iba iba. Tulad ko, dito sa chess.com ay between 1600 -1700 ang rating ko. Sa ibang chess site ay 1500-1600, yong iba 1400-1500 ako.
Ngayon, ang tanong mo ay kung may silbi ang rating dito sa internet/computer. Ang masasabi ko ay PARA SA AKIN LANG, marlou ay walang silbi dahil hindi ko/mo alam kung tama ang rating dito sa internet/computer o mali. Ewan ko sa iba kung may silbi sa kanila o kung ano ang masasabi nila. May mga rating dito na mas mataas kesa sa tunay ng rating tulad ng USCF, WCF, PCF.
Sana naipaliwanag ko ang nalalaman ko. Ewan ko kung tama ang sinabi ko sa iyo. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ng iba tungkol sa tanong mo. Maraming salamat sa iyo. Para yata akong na puzzle sa tanong mo.
Thanks for the message. Wala kasi akong alam diyan sa rating sa chess. Kasi hanggang sa school lang ako sumasali ng tournament. Minsan lang ako sumali ng tournament talaga ng nasa Iceland ako year 2006, hanggang 8 rounds ,blitz game ata ang tawag doon kasi mabilis.Noong nagpalista ako para sa laro na ito tinatanong nila kong anong rating ko, hindi ko masagot. Doon lang ako nakakita ng mga grandmaster ng chess sina Anand, Magnus Carlsen, Judith Polgar etc. Bata pa si Magnus carlsen . Siya ang nanalo sa tournament ngayon number one na siya.
Ano pala ang WCF, PCF, USCF. Ang WCF ba ay world chess federation, PCF ay philippine chess federation at USCF ay US chess federation tama ba ako.
Paano ba ang makasali diyan sa mga tournament talaga iyong tunay na laro na talaga hindi sa computer. Kailangan ba talaga may rating ka. Kasi nandito ako sa Europe baka puwede akong sumali.
Walang anuman. Pareho tayong walang alam sa chess rating. Oo tama yong mga chess federation mo. Mabuti ka pa nakasali sa school tournament, ako walang nasalihan na tournament kahit na school o kalyeng tournament. Wala pa kasing School Chess Team o Tournament noong nag aaral pa ako. Ang pag kakaalam ko nag umpisa lang yang School Chess Team o Tournament noong 1970s na at nandito na ako sa New York City noon. Saka mas mahilig at mas gusto ko kasi ang Ballroom/Latin Dancing kesa sa Chess. Wala nga akong kilala o alam na grandmaster pero naririnig ko ang pangalan nila kaya lang hindi lahat. Konti lang ang alam ko. Siguro yong sikat na sikat.
Hindi ko alam kong papano kang sasali sa mga chess federation tournament. Ang masasabi ko ay mag member ka sa US chess federation o sa Europe chess federation tapos tanugin mo sila. Mabuti ka pa palagay ko mas may nalalaman sa chess kesa sa akin. Nag lalaro lang kasi ako ng chess dahil libangan lang, para magkaroon ng maraming kaibigan, magsaya at tulad ng sinasabi ko dito sa team natin at ibang team. Good luck sa pag sali mo sa tournament.
Sa Iceland ka pala, parang katulad ng Alaska yan pag summer (halos walang summer) puro araw walang gabi at pag winter puro gabi walang araw.
yan rating na yan ay maysilbi namn dito nuh at importante..sa rating nababase kung tyo ay gumagaling na sa paglalaro ng chess or hindi...lalo na pag-online game ang iyong pipilian,,,,, dahil binigay sayo ng sapat na oras/panahon kung anong best move mo para icounter sa move ng kalaban ..huwag lang live chess- kuh !!patay kang kaibigan ko-!!!-dahil sa lag at disconnection kahit magaling kapa di uubra ang galing mo hahhahah
....to make it short, wlang kalatoy latoy ang paglalaro ng chess ng wlang rate kung baga wlang challenge...tama ba ako????
Tama ka jaysie pero kailangan pa rin natin ang masaya, maligaya tayo para naman in good health tayo. Yan pa rin ang importante sa buhay natin.
rating pinakamahalagang aspeto ng chess ang malaman mo ang rating mo. dahil sa rating mailalagay mo ung sarili kung nasaan na ang kaalaman mo sa larong chess target ika nga lahat kc ng palakasan mayroong at kanya kanyang level.
depende un kung ilan na ang nailaro mo pero in general at nasa pick ka na ung rating ang makakapagsabi sayo kung ano ang skills mo sa larong chess.
may silbi ba ang rating dito sa internet/computer kapag nanalo ka sa tournament or online. kasi baguhan lang ako dito dalawang linngo na.
ang alam ko ,FIDE ang talagang may alam para sa totoong rating.nabasa ko lang din ito sa ibang articles.. kung talagang gusto mo ng rating, kailangan sumali ka sa tournament na organisado ng chess club na konektado sa FIDE..
May mga nagtatanong sa akin kung pano raw ang tournament at team match kaya gusto kong ipaliwanag sa inyo dito ang nalalaman ko.
Tournament - Ang tournament ay dapat mag pa register ang player sa nasabing tournament. Pag puno na ang players dun sa tournament na yon ay mag uumpisa na ang laro.
Team Match - Ang team match ay ginagawa ng adm at dapat i-challenge o i-accept ng kalaban na team. Pag meron ng team match ay dapat mag join ang players sa sinabing team match. Pag ini-lock ng both teams ang team match ay mag uumpisa na ang games ng team match. Pag ang player na walang kalaban sa team match ay hindi makakasali sa nasabing team match. Dapat may kalaban siya para makasali siya sa team match. Pag hindi siya nakasali sa team match ay puwede naman siya mag pagawa sa adm para sa rating niya nang makasali siya sa team match na ipinagawa niya.
Sana naipaliwanag ko ng mabuti ito dun sa hindi nakakaalam kung paano nag uumpisa ang team match.
Maraming salamat at good luck sa inyong lahat. Relax lang kayo sa paglalaro dahil libangan lang itong chess games.