x
Chess - Maglaro at Matuto

Chess.com

LIBRE - sa Google Play

LIBRE - sa Win Phone Store

TINGNAN

The Best Chess App for Android

I-download nang libre ang Chess.com app sa iyong paboritong Android device. Ang mga manlalaro ng chess sa buong mundo ay naglalaro at natututo ng chess gamit ang aming 4.5 star app na milyun-milyong beses nang nai-download.

Gustung-gusto ko ito!

ni Amith Raravi

Ang pinakamahusay na app para sa paglalaro ng chess. Ang online na pagpapareha ay sobrang galing. Ang app ay may access sa mga palaisipan at aralin para sa lahat ng klase ng manlalaro. Pinapanatili ang husay mo sa taktika! Sobrang Rekomendado!! PS. Subscriber din ako. Gustung-gusto ko ang mga extra features.

Pinakamahusay na Nasubukan Ko

ni Nj Tobias

Sa pag-aaral ng chess, angat ito sa kalahating dosenang apps na nasubukan ko. Nag-subscribe ako dito [dahil] malinaw at mabisa ang mga aralin na ginamitan ng maikli ngunit malinaw at tumpak na mga salita na sinasamahan ng mga drills na unti-unting nagpapahusay sa abilidad ng user.

Pinakamahusay na chess app

ni YesSiOui MC

Nandito na ang lahat: para sa paglalaro, may score level para makahanap ng makatuwirang laban kapag naglalarong online, at kung pinili mo ay 5/10 minuto makahahagilap ka ng laro sa loob ng 1-5 segundo. At saka, pwede ka ring gumawa ng match sa parehong device o makipaglaro sa AI na parang taung-tao.

Super Duper

ni David Retherford

Ang app na ito ay kahanga-hanga, ang mga palaisipan ay maikli pero malaman at mahusay na pang-ensayo ng utak. Ang mga aralin ay hinihimay ang laro sa paraang hindi ko pa nakikita sa ibang application. Ito'y talagang kasiya-siya, at inirerekomenda ko ito sa sinumang interesado sa chess, anuman ang kanilang antas ng kasanayan.

Talagang Mahusay

ni Austin Durham

5 taon na akong naglalaro dito, at laging perpekto. Siguro hindi bababa sa 8-9 ang naging cell phone ko at, kahit anong phone, laging gumagana ng maayos. Marami na akong nilampaso sa lahat ng sulok ng mundo. Kahit ano pa ang sitwasyon. Salamat sa inyo. Napakahusay.

GR8 Chess App

ni Rahul Agrawal

Mahigit 3 taon ko nang ginagamit ito. Talagang kamangha-mangha at madaling i-tweak ang GUI. Matalinong mga manlalaro. Libre na ang pagsusuri at maganda ito dahil ipinapakita ang iba't-ibang linya na pwede sanang laruin. Walang mga ads at posts na hindi kailangan.

Online Ngayon