Forums

Sa July 31 ang 8th Leg PACE Kiddies Chess Championship

Sort:
Boyet_Tardecilla

To: Sports Section Pls.

Sa July 31 ang 8th Leg PACE Kiddies Chess Championship

Magbubukas muli upang pumainog ang 8th Leg PACE Kiddies Chess Championship sa darating na July 31, 2010 10:00am sabado na gaganapin sa PACE HQ 2nd Floor 56 Mindanao Avenue, Project 6, Quezon City. Ang torneo ay inorganisa ng Philippine Academy for Chess Excellence (PACE).

Ang pormat ng torneo ay bukas sa lahat na manlalaro na may edad 16 pababa at may NCFP Rating na 2050 pababa. Ito ay isasagawa sa Seven(7) Rounds Swiss System na may 25 minutes bawat manlalaro hanggang sa matapos ang laro. Sa bawat elimination leg ay kukuha ng walong(8) qualifiers upang makapasok sa grand finals na gaganapin sa November 27-28, 2010 na maaring isagawa sa Trinoma o sa SM North, Quezon City.

Ang premyo ay ang mga sumusunod; Champion P 2,500.00 plus PACE Trophy, 2nd Place 1,500.00 , 3rd Place 1,000.00 , 4th Place 800.00 , 5th Place 500.00 na may kasamang PACE Medals, 6th to 10th Place 300.00 bawat isa at category prizes sa Boys at Girls para sa Top Under 14 P 500.00, Top Under 12 P 500.00, Top Under 10 P 500.00, Top Under 8 P 500.00 plus PACE Medals.

Ang torneo ay pangangasiwaan ni NA Boyet Tardecilla bilang Chief Arbiter na makakatuwang sina Dioniver Mercado-Pairing Specialist at Asst. Arbiter Alberto Dacallos.  Ang paliga ay isang rated event na masusunod sa PACE Rating at ipapalabas ang resulta kada buwan.  Sinimulan ang komputasyon sa PACE Rating bilang pagbase sa NCFP Standard at Rapid Rating.

Ang Registration fee ay P 250 para sa Non-Member at P 200 para sa PACE Member.
Sa mga magpaparehistro ay magtext o tumawag lamang kay Gina Kobayashi sa (02) 473-7008 o 0916-6169586

Boyet_Tardecilla

The Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) has a website.
Please check at http://www.rpchessacademy.org/