Kabayan, ang Team Philippines Live Chess (TPLC) ang kumakatawan sa ating bayan sa Live Chess World League (LCWL) live tournaments dito sa Chess.com. Sa LCWL Season 4 noong isang taon, ang ating Team (TPLC) ang nag-champion Sa Div. 3. Tinalo natin ang Team Bosnia and Herzegovina sa championship game bukod sa mga nauna na nating tinalo – Canada, England, Brazil, Bangladesh, Italy, and Venezuela. 61 ang players na naglaro sa bawat team. Ang score ay 65 – 57.
Dahil tayo ang nag-champion, na promote ang TPLC sa Division 2. Sa Season 5 ngayon taon, nag-champion muli tayo. Mas mabibigat na team ang ating iginupo na kumatawan sa Slovakia, Romania, USA, Czech Republic, Bosnia and Herzegovina, Brazil, Mexico. Mas marami ang chess masters nila pero natalo natin silang lahat. Tinalo natin sa championship game ang Team Bosnia and Herzegovina sa score na 66 - 34. 50 lahat ang naglaro sa bawat team. Dahil dito, na-promote muli tayo.
Ngayon nga ay nasa Division 1 na tayo kung saan sobrang heavyweight ang mga makakalaban nating mga team mula sa Ukraine, Russia, Iran, Serbia, Kazakhstan, France, at Peru. Sa link na https://www.chess.com/club/matches/live/team-ukraine/10891 makikita ang matinding lineup ng mga masters at bilang ng mga naglaro sa Team Ukraine at Russia. 750 ang naglaro sa bawat team. Nakaka-intimidate pero naniniwala ang TPLC sa galing at kakayahan ng mga Pinoy chess players. Mayroon din tayong mga masters na kinabibilangan ngayon ng 2 GM, 2 IM, 7 NM, 4 FM, 1 WFM, 1 CM.
Dito kabayan lubhang kailangan ang iyong tulong sa paglahok mo sa mga matches natin vs. mga team ng mga bansang nabanggit. Kailangan nga lang ay maka-join ka muna sa TPLC. Ito ay alang-alang sa karangalan at prestihiyo ng ating Bayan, incidental na lang ang TPLC. Layunin din ng Team na maipagmalaki ng ating bansa ang mga manlalarong Pinoy sa chess. Pangarap at hangad din natin na makilala ang Pinoy chess players bilang kasama sa mga the best sa larangan ng chess sa buong mundo. Ang pa-tournament na ito ng LCWL ay sikat na sa maraming bansa, at ini-streaming pa sa Ukraine. Bilang pagkilala sa mga top players, mayroon pagantimpala ang LCWL sa mga top players. Bukod diyan ay magkakaloob din ng karagdagang papremyo ang TPLC.
Kabayan, asahan namin ang iyong mahalagang paglahok sa TPLC at partisipasyon. Paki-klik lang ang link na: https://www.chess.com/club/team-philippines-live-chess tapos ay i-klik ang JOIN na lilitaw sa site ng TPLC. Sa Sept. 6, sa Linggong darating, ang una natin laro, Ang kalaban ay Team Ukraine. Ipapadala namin later ang link at oras ng games na malamang ay sa gabi.
Kabayan, sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, maaaring makamtan ng Pilipinas ang 3rd consecutive championship sa tatlong divisions sa loob lamang ng 2 taon.
MABUHAY KA KABAYAN AT LAHAT NG MGA PINOY CHESS PLAYERS!