theme song ng HQ, proposal lang poh...

Sort:
BIZZAKLAT


      Alaala

Akin pang naaalala 
Noong si Ama'y nabubuhay pa 
Ang sabi niya'y, "Freddie 
Mag-aral kang mabuti 
Tulungan mo ang 'yong sarili" 


Ang nais niya'y hindi nasunod 
'Pagkat ako'y may dahilan 
Ang nais ko'y umawit 
Tumugtog ng gitara 
At ako'y kanyang pinagbigyan 


At kami'y nagkahiwalay 
'Pagkat ako'y nangibang-bayan 
At nang kami'y magkita 
Siya ay bangkay na 
Pumanaw na ang aking ama 


Saan man siya naroroon 
Mga payo niya'y tataglayin ko 
Ang kanyang alaala 
Ay lalagi sa isip ko 
Kahit siya'y wala na 


[Repeat 1st Stanza] 


CODA 
Tulungan mo ang 'yong sarili 
Tulungan mo ang 'yong sarili 
Tulungan mo ang 'yong sarili
RayDuqueIII

Maganda kayang theme song ng HQ ito? Para yatang nakakalungkot Rene. Yong iba subukan mo. Mag lagay ka pa. Tignan natin kung okay yong iba.