Nanawagan ako noon na mag kaisa at magtulungan tayong lahat. May nagsabi na masyado daw tayong maraming Pinoy teams na sila sila rin daw ang SA at Admin. Bakit daw masyado tayong maraming Pinoy Teams. May nagsabi na gawin na lang daw nating isa o dalawang team ang Pinoy Team. May nagsabi naman na kaya tayo maraming Pinoy Teams ay marami tayong mga games sa isat isa at hindi natin magagampanan sa isang team. Sabi ng iba ay gusto daw nating ipakita sa kalaban natin na maipanalo natin ang mga games natin.
Para sa akin ay okay lang na marami tayong Pinoy teams. Ang mahalaga ay magkaisa at magtulungan tayong lahat. Ang kailangan natin ay sumama tayong lahat sa lahat ng active na Pinoy Teams at umalis tayo sa mga hindi Pinoy Teams na kasama tayo. Mag join tayo sa lahat ng Pinoy team matches, vote chess, International Country matches. Mag post tayo sa forum, notes, events at sa ano pang mga dapat ipost. Magkuwentuhan tayo, magdamayan, magkakilalanan, mag biruan, mag batian, mag saya at mga iba pang mabubuting gawain. Yan ang lagi kong sinasabi sa Pinoy Chess Philippines.
Ang isang Founder ng Pinoy team ay dapat maging isang SA o Admin sa team na yon. Siya ay dapat mag assign ng magiging kasama niya bilang SA at Admin. Mag assign din siya ng Admin o Captain sa bawat category tulad ng membership, team matches, votes chess, pag lolock ng team matches, events, eyeball kung meron man at mga iba pang category.
Yan ang masasabi ko na mag kaisa at magtulungan tayong lahat.
Ano ang masasabi ninyo? Ano sa palagay ninyo? Sana mag bigay kayo ng idea kung ano ang dapat nating gawin para masamahan natin lahat ng mga Pinoy Teams, umalis tayong sa mga hindi Pinoy Teams para magkaisa at magtulungan tayong lahat.
Ipakita natin dito sa chess dot com na magagaling tayong mga Pinoy at maging Number 1 tayo dito. Itaas natin ang bandila ng Pilipinas tulad ng sinasabi namin sa ibang chess site.
Maraming Salamat sa Inyong Lahat,
Ray
Ray Duque III (GMBD), New York City