Ang Mate sa 4 na Tira

Ang Mate sa 4 na Tira

CHESScom
CHESScom
Ene 1, 2017, 1:59 PM |
11 | Para sa Baguhan

Ano ang pinakakaraniwang laro sa chess?

Ang mate sa apat na tira (kilala rin bilang scholar's mate) ay di hamak na pinakakaraniwang pagtatapos ng isang laro sa chess. Halos lahat ng mga manlalaro ng chess ay nabitag na o nakagawa nitong checkmate minsan sa kanilang buhay.

Pero walang dapat katakutan dito! Kung marunong kang dumepensa, nawawala sa posisyon ang puti kung tutuusin.

Ang mate sa apat na tira ay maaaring maabot sa iilang paraan, pero ang basic pattern ay nagsisimula ang Puti sa pag-abante ng 1.e2-e4, ilalabas ang bishop sa c4 para atakihin ang f7-pawn, at ilalabas ang reyna sa h5 (o f3). Kung hindi dumepensa ang Itim, gagawin ng Puti ang checkmate sa pagtira ng 4.Qxf7#Four-Move Checkmate

Paano makakadepensa ang Itim laban sa mateng 4 na tira? May tatlong paraan: ...Qe7, ...Qf6, at ...g6 ay lahat resonableng mga tira na pumipigil sa bantang checkmate ng Puti.

Defending the four-move checkmate.

Kapag sinimulang depensahan ng Itim ang checkmate, ang puting reyna ay maaaring maging target ng atake. Dapat subukan ng Itim na maglabas ng mga bagong piyesa habang inaatake ang puting reyna.

Ngayong alam mo na kung paano depensahan ang iyong sarili laban sa patibong na ito, bakit hindi gumawa ng account sa Chess.com at subukan ang isang laro ng sarili mo?

Mas marami pa galing kay CHESScom
Gaano Karami Ang Naglalaro ng Chess sa Buong Mundo?

Gaano Karami Ang Naglalaro ng Chess sa Buong Mundo?

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess

Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess