Ang Chess.com, LLC ("namin", "kami", o "amin") ay ang nagpapatakbo ng website ng chess.com, ang mobile application ng chess.com, at ilan pang website at mga application na nilikha at pinananatili namin (ang “Serbisyo”).
Ang pahinang ito ay nagbibigay-alam sa iyo tungkol sa aming mga patakaran tungkol sa pagkolekta, paggamit, pagsiwalat ng personal na data kapag ginamit mo ang aming Serbisyo at ang iyong mga pagpipilian kaugnay sa data na iyon. Ang aming Pagkapribadong Patakaran ay napapailalim sa aming Kasunduan ng User at iba pang mga naaangkop na kasunduan na tinutukoy dito.
Ginagamit namin ang iyong data upang magbigay at pagbutihin ang Serbisyo. Sa paggamit ng Serbisyo, sumasang-ayon ka sa pagkolekta at paggamit ng impormasyon alinsunod sa patakarang ito. Maliban na lang kung tinukoy sa Patakaran sa Privacy na ito, ang mga terminong ginamit sa Patakaran sa Privacy na ito ay may katulad na kahulugan sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon.
MAHALAGANG PAALALA SA MGA RESIDENTE NG EUROPEAN UNION AT SA UNITED KINGDOM: Ang patakaran sa pagkapribadong ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan sa ilalim ng General Data Protection Regulation ng European Union at sa katumbas na mga batas ng United Kingdom (ang “GDPR”). Pakitingnan ang aming Paunawag GDPR sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga karapatang ito.
Kung ikaw ay napapailalim sa General Data Protection Regulation (ang “GDPR”), pakitingnan sa ibaba ang impormasyon tungkol sa iyong karapatang gamitin ang ilan sa iyong mga karapatan sa ilalim ng GDPR, kasama ang iyong “karapatang kalimutan.” Kung ikaw ay napapailalim sa mga batas ng pagkapribado ng Estado ng California, kabilang ang California Consumer Privacy Act (ang “CCPA”), pakitingnan sa ibaba ang impormasyon tungkol sa iyong karapatang gamitin ang ilan sa iyong mga karapatan sa ilalim ng CCPA, kabilang ang karapatan mong utusan kaming huwag ibenta ang iyong personal na impormasyon.
Mga Kahulugan
Serbisyo
Ang Serbisyo ay ang website ng Chess.com at ang mobile app ng Chess.com na pinamamahalaan ng Chess.com, LLC, at anumang iba pang mga produkto o serbisyo na aming pinalawig sa pamamagitan ng Chess.com o ng iba pang mga pamamaraan. Hindi kasama sa Serbisyo ang nilalaman ng ikatlong partido gaya ng mga patalastas, o anumang iba pang produkto o serbisyo na inaalok ng mga ikatlong partido. Hindi namin at hindi namin makokontrol ang anumang nilalaman ng ikatlong-partido, kabilang ang ginawang content ng mga gumagamit (halimbawa, ay ang in-game chat content).
Personal na Data
Ang Personal na Data ay nangangahulugang data tungkol sa isang buhay na indibidwal na maaaring makilala mula sa data na iyon (o mula sa at iba pang impormasyon na nasa pag-aari man namin o pwedeng dumating sa aming pag-aari). Ang personal na data ay maaari ring kasama ang “sagisag” na data, ang impormasyong patungkol sa iyo na hindi maaaring gamiting pagkakakilalan mo ng personal - halimbawa, ang IP address, o impormasyon tungkol sa bansa kung saan ka nag-log sa Chess.com. Para sa mga layunin ng Patakarang Pagkapribadong ito, lahat ng sagisag na data ay Personal na Data na kung saan ang Chess.com ay isang data processor ng sagisag na data.
Data sa Paggamit
Ang Usage Data ay data na awtomatikong kinokolekta alinman sa paggamit sa Serbisyo o mula sa infrastructure ng Serbisyo mismo (halimbawa, ang tagal ng pagdalaw sa pahina). Ang User Data ay maaaring kabilang ang pseudonymous data kung saan naaangkop.
Cookies
Ang mga cookies ay maliliit na piraso ng data na nakaimbak sa iyong device(computer o mobile device).
Tagakontrol ng Data
Ang Data Controller ay ang natural o legal na tao (mag-isa man o magkakasama o kapareho sa ibang tao) na nagpapasya sa mga layunin kung saan at ang paraan kung paano ipoproseso ang anumang personal na impormasyon. Para sa Patakarang Pagkapribadong ito, kami ang Data Controller ng iyong Personal na Data at ng iyong Data ng Paggamit.
Mga Tagaproseso ng Data (o Tagapagbigay ng Serbisyo)
Ang Data Processor ay nangangahulugang ang sinumang natural o legal na tao, kabilang ang Mga Provider ng Serbisyo, na nagpoproseso ng data sa ngalan ng Data Controller. Maaari naming gamitin ang mga serbisyo ng iba't ibang mga Data Processors upang maproseso ang iyong data nang mas epektibo. Ang anumang ikatlong partidong partikular na tinutukoy dito sa Patakarang Pagkapribado, kabilang ang Google (Alphabet, Inc.) at Facebook (Facebook, Inc., d/b/a Meta) ay ikatlong partidong Tagaproseso ng Data sa pakahulugan nitong Patakarang Pagkapribado.
Paksa ng Data (o Gumagamit)
Ang Paksa ng Data ay sinumang buhay na indibidwal na gumagamit ng aming Serbisyo at ang paksa ng Personal na Data.
Pagkolekta ng Impormasyon At Paggamit
Kinokolekta namin ang maraming iba't ibang uri ng impormasyon para sa iba't ibang mga layunin upang maibigay at mapabuti ang aming Serbisyo sa iyo.
Uri ng Kinokolektang Data
Personal na Data
Habang ginagamit ang aming Serbisyo, pwede naming hilingin sa iyo na bigyan kami ng ilang personal na makikilalang impormasyon na maaaring magamit upang makipag-ugnayan o makilala ka ("Personal na Data"). Ang personal na makikilalang impormasyon ay maaaring may kasama, ngunit hindi limitado sa:
- Kinakailangang Impormasyon (username sa Chess.com at alinman sa email address, pangpublikong ID sa Google o pangpublikong ID sa Facebook)
- Optional na Impormasyon (Unang pangalan, apelyido, at iba pang personal na paglalarawan)
- Cookies at Data ng Paggamit
Maaari naming gamitin ang iyong Pansariling Data para makipag-ugnayan sa iyo gamit ang mga newsletter, materyales sa marketing o pang-promosyon at iba pang impormasyon na maaaring interesado ka. Hindi namin ibinebenta ang iyong Pansariling Data o ang iyong Data ng Paggamit. Ang naturang data ay para lamang sa panloob na layunin sa marketing. Kung sa browser mo ia-access ang Chess.com, ang iyong web browser ay maaaring kumolekta ng impormasyon tungkol sa iyo at gamitin ito para sa mga layunin ng advertising o iba pang mga layunin na hindi namin kontrolado. Hindi namin at hindi kami maaaring mag-imbak, magmanipula, maglipat, o magbenta ng anumang data na kinolekta o ginamit ng iyong web browser.
Kung ikaw ay gagamit ng aming App na pang-Android, maaari naming hingin, kung pahihintulutan mo, na kolektahin ang iyong listahan ng contact (maaaring kabilang ang mga email address at mga numero ng telepono) at ibahagi sa Google para sa eksklusibong layunin na paghahanap sa iyong mga kaibigan at mga koneksyon. Hindi kami nagtatabi ng ganitong impormasyon. Gayundin, kung gagamit ka ng aming App na pang-Apple, maaari naming hingin, kung pahihintulutan mo, na kolektahin ang iyong listahan ng contact (maaaring kabilang ang mga email address at mga numero ng telepono) at ibahagi sa Apple para sa eksklusibong layunin ng paghahanap sa iyong mga kaibigan at mga koneksyon. Hindi kami nagtatabi ng ganitong impormasyon.
Ikaw ay maaaring mag-opt out sa pagtanggap ng anuman, o lahat, ng mga komunikasyong ito galing sa amin sa pamamagitan ng pagsunod sa link sa pag-unsubscribe o mga tagubiling ibinigay sa anumang email na aming ipinadala o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin.
Data sa Paggamit
Kami ay maaari ding mangolekta ng impormasyon na ipinapadala ng iyong browser sa amin tuwing ikaw ay bumibisita sa aming Serbisyo o kapag ina-access mo ang Serbisyo ng o sa pamamagitan ng isang mobile device ("Usage Data").
Ang Usage Data na ito ay maaaring may kasamang impormasyon tulad ng Internet Protocol address (i.e. IP address) ng computer mo, browser type, bersyon ng browser, ang mga pahina ng aming Serbisyo na binisita mo, ang oras at petsa ng iyong pagdalaw, ang oras na itinagal mo sa mga pahinang iyon, mga unique device identifiers at iba pang diagnostic data.
Kapag in-access mo ang Serbisyo sa pamamagitan ng o gamit ang isang mobile device, ang Data sa Paggamit na ito ay maaaring may kasamang impormasyon tulad ng uri ng mobile device na gamit mo, ang unique ID ng iyong mobile device, ang IP address ng iyong mobile device, ang mobile operating system mo, ang uri ng mobile Internet browser na gamit mo, natatanging pagkikilanlan ng device at iba pang data na pang-diagnostic.
Sinusubaybayan ang Data ng Cookies
Gumagamit kami ng mga cookies at mga katulad na teknolohiyang pangsubaybay upang subaybayan ang aktibidad sa aming Serbisyo at hawakan ang ilang impormasyon.
Ang mga cookies ay mga file na may maliit na bilang ng data na maaaring may kasamang isang anonymous at natatanging pagkakakilanlan. Ipinapadala ang mga cookies sa iyong browser mula sa isang website at nakaimbak sa iyong device. Ang mga ginamit ding mga teknolohiyang pangsubaybay ay ang mga beacon, tag, at script upang mangolekta at subaybayan ang impormasyon at upang mapagbuti at suriin ang aming Serbisyo.
Pwede mong sabihan ang iyong browser na tanggihan ang lahat ng mga cookies o ipaalam kapag ang isang cookie ay ipinapadala. Yun nga lang, kung hindi ka tatanggap ng mga cookies, ikaw ay maaring hindi makagamit ng ilang bahagi ng aming Serbisyo. Anumang Serbisyo, kabilang ang bayad na mga Serbisyo o subscription sa Chess.com, ay maaaring hindi maging matatag at hindi gumagana kung hindi mo tatanggapin ang mga cookie ng Chess.com.
Halimbawa ng mga Cookies na ginagamit namin:
- Session Cookies. Gumagamit kami ng Session Cookies para panatilihin kang naka-login sa aming Serbisyo.
- Preference Cookies. Gumagamit kami ng Preference Cookies para matandaan ang iyong mga kagustuhan at iba't ibang mga settings.
- Security Cookies. Gumagamit kami ng Security Cookies para sa mga layuning pang-seguridad.
- Pampatalastas na Cookies. Ginagamit ang Pampatalastas na Cookies upang mahatiran ka ng mga patalastas na maaaring nauugnay sa iyo at sa iyong mga nagugustuhan. Maaari kang umatras sa paggamit ng mga cookies na ito sa pamamagitan ng pagbisita sa patakaran sa privacy ng Google at content network sa http://www.privacychoice.org/companies o http://www.aboutads.info/choices. Upang mas marami pang malaman tungkol sa behavioral na advertising o para umatras sa ganitong uri ng mga advertising, maaari mong bisitahin ang www.networkadvertising.org. Ang Google ay ikatlong partidong Data Processor na hindi namin kontrolado. Hindi namin at hindi namin maaaring pamahalaan o kontrolin ang anumang data na pinoproseso ng Google para sa iyo.
Gamit ng Data
Ang Chess.com, LLC ay ginagamit ang nakolektang data para sa iba't ibang mga layunin:
- Upang i-customize ang patalastas at nilalaman na nakikita mo
- Upang maibigay at mapanatili ang aming Serbisyo
- Upang ipaalam sa iyo ang tungkol sa mga pagbabago sa aming Serbisyo
- Upang pahintulutan kang lumahok sa mga interaktibong mga features ng aming Serbisyo kapag pinili mong gawin ito
- Upang magbigay ng suporta sa customer
- Upang makalikom ng pagsusuri o mahalagang impormasyon para mas mapaganda namin ang aming Serbisyo
- Upang masubaybayan ang paggamit ng aming Serbisyo
- Upang ma-detect, maiwasan at maharap ang mga issues na teknikal
- Upang mabigyan ka ng balita, mga espesyal na alok at pangkalahatang impormasyon tungkol sa iba pang mga kalakal, serbisyo at mga kaganapan na inaalok namin na katulad sa mga binili mo o inusisa maliban na lang kung pinili mong hindi tumanggap ng ganoong impormasyon
- Upang magsagawa ng pananaliksik, at magbigay ng pinagsama-sama, walang-pagkakakilanlang pag-uulat tungkol sa aming pangkalahatang pamayanan ng users para sa mga panloob at panlabas na kliyente.
Hindi namin ibinebenta ang iyong Personal Data sa mga ikatlong partido.
Legal na Batayan para sa Pagproseso ng Personal na Data Sa ilalim ng General Data Protection Regulation (GDPR)
Kung ikaw ay mula sa European Economic Area (EEA), ang legal na batayan ng Chess.com, LLC para sa pagkolekta at paggamit ng personal na impormasyon na inilarawan sa Patakaran sa Pagkapribado na ito ay nakasalalay sa Personal na Data na kinokolekta namin at ang tiyak na context kung saan kinokolekta namin ito.
Ang layunin ng seksyong ito ng patakarang ito ay ipaliwanag kung paano namin tinitiyak ang iyong privacy, kung anong mga hakbang ang aming ginagawa para pigilan at hindi makompromiso ang pribadong impormasyon, anong uri ng mga impormasyon ang aming kinokolekta mula sa iyo, kung ano ang ginagawa namin sa impormasyon na iyon, at kung paano mo maaaring magamit ang ilan sa iyong mga karapatan sa ilalim ng naaangkop na mga batas ng data privacy na nauugnay sa impormasyong iyon. Ang patakarang ito ay nagtatalaga ng aming data protection officer, at nagbibigay sa iyo ng impormasyong maaaring kailanganin mo para makipag-ugnayan sa aming data protection officer.
Ang lahat ng mga tuntunin ng Patakarang ito at ang aming Mga Tuntunin ng Paggamit ay naangkop kahit mag-login ka man sa browser o app na katutubo sa mobile device o anumang iba pang device. Ang pag-login sa browser ay maaari ring sumailalim sa mga tuntunin ng serbisyo (anumang estilo) ng iyong napiling browser. Kapag nag-login sa browser, ang iyong browser ay isang ikatlong partido sa pakahulugan ng GDPR. Kapag ginagamit ang aming mobile app, ang iyong katutubong app store, cell phone provider, carrier ng data, o iba pang ikatlong partido ay maaaring ikatlong partidong Tagakolekta ng Data sa pakahulugan nitong Patakarang Pagkapribado. Hindi namin at hindi kami maaaring mangolekta o magtabi ng impormasyong isinumite mo sa iyong web browser pero hindi sa amin (halimbawa, kung nagpasok ka ng text sa text field ng login sa browser, ngunit hindi pinindot ang Submit o kung hindi nag-utos na ipadala ang impormasyong iyon sa amin).
Ang Chess.com, LLC ay maaaring iproseso ang iyong Personal na Data dahil:
- Kailangan naming magsagawa ng isang kontrata sa iyo
- Ikaw ay nagbigay sa amin ng pahintulot para gawin ito
- Para sa layuning pagproseso ng bayad
- Upang sumunod sa batas
Pagpapanatili ng Data
Ang Chess.com, LLC ay itatabi ang iyong Personal na Data hangga't kinakailangan lamang para sa mga layuning itinakda sa Patakarang Pangpribadong ito. Itatabi namin at gagamitin ang iyong Personal na Data hangga't kinakailangan upang sumunod sa aming mga obligasyong legal (halimbawa, kung kinakailangan naming itabi ang iyong data upang sumunod sa mga naaangkop na batas), lutasin ang mga pagtatalo, at ipatupad ang aming mga legal na kasunduan at patakaran, o hanggang iutos mo sa amin na gawin ang kabaligtaran sa pamamaraang nababatay sa iyong mga karapatan (at aming obligasyon) sa ilalim ng GDPR.
Ang Chess.com, LLC ay itatabi rin ng Usage Data para sa layuning pagsusuring internal. Ang Usage Data ay karaniwang itinatabi sa mas maikling panahon, maliban na lang kung ang data na ito ay ginagamit para palakasin ang seguridad o upang mapahusay ang functionality ng aming Serbisyo, o legal na obligado kaming itabi ang data na ito nang mas matagal na panahon.
Paglipat Ng Data
Ang iyong impormasyon, kasama ang Personal na Data, ay maaaring ilipat sa - at mapanatili sa - mga computer na matatagpuan sa labas ng iyong estado, lalawigan, bansa o iba pang nasasakupang pangpamahalaan kung saan ang mga batas sa proteksyon ng data ay maaaring naiiba mula sa iyong nasasakupan.
Kung ikaw ay nasa labas ng Estados Unidos at pinili mong magbigay ng impormasyon sa amin, pakatandaan na inililipat namin ang data, kabilang ang Personal Data, sa Estados Unidos at ipoproseso ito doon.
Ang iyong pahintulot sa Privacy Policy na sinundan ng iyong pagsusumite ng naturang impormasyon ay kumakatawan sa iyong pagsang-ayon sa paglipat na iyon.
Ang Chess.com, LLC ay gagawin ang lahat ng mga makatwirang hakbang na kailangan upang matiyak na ang iyong data ay hinahawakan nang ligtas at alinsunod sa Privacy Policy at walang paglilipat ng iyong Personal na Data ang magaganap sa isang organisasyon o isang bansa maliban na lang kung may sapat na kontrol na nakatalaga kasama ang seguridad ng iyong data at iba pang personal na impormasyon.
Pagsisiwalat Ng Data
Pang-negosyong Transaksiyon
Kung ang Chess.com, LLC ay masasangkot sa isang merger, acquisition o pagbebenta ng asset, maaaring ilipat ang iyong Personal na Data. Magbibigay kami ng paunawa bago ilipat ang iyong Personal na Data at masakop ng ibang Privacy Policy.
Pagsisiwalat para sa mga Tagapagpatupad ng Batas
Dahil sa ilang mga pangyayari, ang Chess.com, LLC ay maaaring kailanganing ibigay ang iyong Personal na Data kung kinakailangan ng batas o bilang tugon sa mga balidong mga kahilingan ng mga pampublikong awtoridad (halimbawa ay korte o ahensya ng gobyerno).
Mga Pangangailangang Legal
Ang Chess.com, LLC ay maaaring ipagbigay-alam ang iyong Personal na Data in good faith sa paniniwalang ang ganitong aksyon ay kailangan para:
- Upang sumunod sa isang legal na obligasyon
- Upang maprotektahan at mapagtanggol ang karapatan o pag-aari ng Chess.com, LLC
- Upang maiwasan o imbestigahan ang mga posibleng maling gawain na konektado sa Serbisyo
- Upang maprotektahan ang personal na seguridad ng mga users ng Serbisyo o ang publiko
- Upang maprotektahan laban sa legal na pananagutan
Seguridad Ng Data
Ang seguridad ng iyong data ay mahalaga sa amin, pero tandaan na walang paraan ng transmission gamit ang Internet o, paraan na electronic storage ay 100% secure. Habang nagsisikap kaming gumamit ng mga katanggap-tanggap na mga paraang pang-komersyo para maproteksyonan ang iyong Personal na Data, hindi namin maga-garantiya ang ganap na seguridad nito.
"Huwag i-Track" na Senyales
Hindi namin sinusuportahan ang Do Not Track ("DNT"). Ang Do Not Track ay isang kagustuhan na maaari mong ilagay sa iyong web browser upang ipaalam sa mga website na hindi mo nais na masubaybayan.
Pwede mong i-enable o i-disable ang Do Not Track sa pamamagitan ng pagbisita sa pahina ng mga Preferences o Settings sa iyong web browser. Kung pinagana mo ang DNT functionality sa alinmang device, ilan sa mga Serbisyo, kabilang ang bayad na mga Serbisyo o ang Chess.com subscriptions, ay maaaring hindi maging matatag.
Ang Iyong Karapatan sa Proteksyon ng Data Sa Ilalim ng General Data Protection Regulation (GDPR)
Kung ikaw ay isang residente ng European Economic Area (EEA), mayroon kang ilang mga karapatan sa pangangalaga ng data. Nilalayon ng Chess.com, LLC na gumawa ng makatuwirang mga hakbang upang pahintulutan kang iwasto, baguhin, tanggalin, o limitahan ang paggamit ng iyong Personal na Data.
Kung nais mong malaman kung ano ang hawak naming Personal na Data tungkol sa iyo at kung nais mo itong alisin sa aming mga system, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Pwede mong i-edit ang impormasyon ng iyong account sa Chess.com anumang oras. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga sumusunod ay ang iyong mga karapatan sa proteksyon ng data:
- Ang karapatan sa pag-access, pagbago o pagtanggal ng impormasyong nakalap namin tungkol sa iyo. Kailanman na magawang posible, pwede mong i-access, baguhin o hilingin ang pagtanggal ng Personal Data mo direkta mula sa loob ng seksyon na account settings. Kung hindi mo magawa ang mga aksyong ito nang sarili mo, makipag-ugnayan sa amin para tulungan ka.
- Karapatan sa Pagtutuwid. May karapatan kang ituwid ang impormasyon mo kung ang impormasyon na iyon ay hindi tama o nagkukulang.
- Ang karapatang tumutol. May karapatan kang tumutol sa pagproseso namin sa Personal Data mo.
- Karapatan sa Pagharang May karapatan kang hilingin na harangin namin ang pagproseso sa personal na impormasyon mo.
- Ang karapatan sa portability ng data. May karapatan kang mabigyan ng kopya ng nakalap naming impormasyon tungkol sa iyo na naka-structure, machine-readable, at sa format na karaniwang ginagamit.
- Ang karapatang bawiin ang pahintulot. Meron ka ring karapatang bawiin ang pahintulot mo anumang oras kung saan sumasalalay ang Chess.com, LLC sa pahintulot sa pagproseso ng iyong personal na impormasyon.
Mangyaring tandaan na maaaring papatunayan namin sa iyo ang iyong pagkakakilanlan bago makatugon sa mga naturang kahilingan.
Ikaw ay may karapatang magreklamo sa isang Data Protection Authority tungkol sa aming pagkolekta at paggamit ng iyong Personal na Data. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lokal na data protection authority sa European Economic Area (EEA).
Tagapagbigay ng Serbisyo
Maaari kaming gumamit ng mga ikatlong partidong kumpanya at mga indibidwal upang maisagawa ang aming Serbisyo ("Mga Tagapagbigay ng Serbisyo"), kasama ang Data Processors, upang maibigay ang Serbisyo sa aming ngalan, upang maisagawa ang mga serbisyo na may kaugnayan sa Serbisyo o upang matulungan kami sa pagsusuri kung paano ginagamit ang aming Serbisyo.
Ang mga ikatlong partidong ito ay may access lamang sa iyong Personal na Data para magawa ang mga task para sa amin at obligado na hindi i-disclose o gamitin ito para sa anumang layunin.
Analytics
Maaari kaming gumamit ng mga third-party na Service Providers upang masubaybayan at masuri ang paggamit sa aming Serbisyo.
Patalastas
Maaari kaming gumamit ng mga third-party na Service Providers upang magpakita ng mga patalastas sa iyo para matulungan ang suporta at mapanatili ang aming Serbisyo.
Google AdSense DoubleClick Cookie
Ang Google, bilang isang third party na vendor, ay gumagamit ng cookies upang maghatid ng mga patalastas sa aming Serbisyo. Ang paggamit ng Google ng DoubleClick cookie ay nagbibigay-daan dito at ng mga partners nito na maghatid ng mga patalastas sa aming mga users batay sa kanilang pagbisita sa aming Serbisyo o ibang mga website sa Internet.
Ikaw ay pwedeng umayaw sa paggamit ng Cookie na DoubleClick para sa advertising batay sa interes mo sa pamamagitan ng pagbisita sa web page ng Google Ads Settings: http://www.google.com/ads/preferences.
Mga Kabayaran
Maaari kaming magbigay ng mga bayad na produkto at/o mga serbisyo sa loob ng Serbisyo. Sa kasong iyon, gumagamit kami ng mga serbisyo ng third-party para sa pagproseso ng bayad (halimbawa ay mga tagaproseso ng bayad).
Hindi namin itatago o kukolektahin ang mga detalye ng iyong card sa pagbabayad. Ang impormasyong iyon ay direktang ibinibigay sa aming mga third-party na tagaproseso ng bayad na ang paggamit ng iyong personal na impormasyon ay pinamamahalaan ng kanilang Patakaran sa Privacy. Ang mga tagaproseso ng bayad na ito ay sumusunod sa mga pamantayang itinakda ng PCI-DSS na pinangangasiwaan ng PCI Security Standards Council, na isang pinagsamang pagsisikap ng mga tatak tulad ng Visa, Mastercard, American Express at Discover. Ang mga pangangailangan ng PCI-DSS ay tumutulong na matiyak ang ligtas na paghawak ng impormasyon sa pagbabayad.
Ang mga tagaproseso ng bayad na gamit namin ay:
Apple Store In-App Payments
Ang kanilang Privacy Policy ay pwedeng makita sa https://www.apple.com/legal/privacy/en-ww
Google Play In-App Payments
Ang kanilang Privacy Policy ay pwedeng makita sa https://www.google.com/policies/privacy
Adyen
Ang kanilang Privacy Policy ay pwedeng makita sa https://www.adyen.com/legal/terms-and-conditions
PayPal
Ang kanilang Privacy Policy ay pwedeng makita sa https://www.paypal.com/webapps/mpp/ua/privacy-full
Paghirang ng Opisyal na Tagaprotekta ng Data
Ang GDPR Data Protection Officer ng Chess.com ay si JOSH LEVINE (ang “Protection Officer”). Ang Protection Officer ay maaaring maka-ugnayan sa:
Telepono: 1 (800) 318-2827 Ext. 121Email: support@chess.com
Postal Address:
Chess.com, LLC
877 E 1200 S #970397
Orem, UT 84097
Mga Link Sa Ibang Mga Site
Ang aming Serbisyo ay maaaring maglaman ng mga link sa iba pang mga site na hindi namin pinapatakbo. Kung nag-click ka sa isang link ng third party, mapupunta ka sa site ng third party na iyon. Mariin naming ipinapayo na pag-aralan ang Privacy Policy ng bawat site na binibisita mo.
Wala kaming kontrol at wala kaming pananagutan sa content, mga patakaran sa privacy o gawi ng anumang mga site o serbisyo na third party.
Privacy ng Mga Bata
Hindi inaasinta ng Chess.com ang sinumang mas bata sa edad na 18 ("Mga Bata") para gamitin ang aming Serbisyo.
Hindi kami sadyang kumukolekta ng personal na makikilalang impormasyon mula sa sinumang wala pa sa 18 taong gulang. Kung ikaw ay isang magulang o tagapag-alaga at alam mo na ang iyong mga Anak ay nagbigay sa amin ng Personal na Data, pakikontak kami. Kapag nalaman naming nakakolekta kami ng Personal na Data mula sa mga bata nang walang pagpapatunay ng pahintulot ng magulang, gagawa kami ng mga hakbang upang maalis ang impormasyong iyon sa aming mga server.
Kung ikaw ay residente ng Estado ng California o kung napapailalim sa CCPA, pakitingnan sa ibaba ang importanteng impormasyon patungkol sa mga karapatan sa pagkapribado ng Kabataan na gumagamit ng Chess.com o alinman sa mga Serbisyo. Kung ikaw ay mas bata sa edad na 13 at residente ng Estado ng California, ikaw ay hindi maaaring gumamit ng Chess.com o alinman sa mga Serbisyo.
PAUNAWA NG PRIVACY PARA SA MGA RESIDENTE NG CALIFORNIA
Itong Paunawa ng Pagkapribado para sa mga Residente ng California ay nagdaragdag ng impormasyon na nilalaman sa aming Patakaran sa Pagkapribado at para lamang sa lahat ng mga bisita, user at ibang nakatira sa Estado ng California. Ginamit namin ang paunawang ito upang sumunod sa California Consumer Privacy Act ng 2018 (CCPA). Ang anumang mga term na tinukoy sa CCPA ay may parehong kahulugan kapag ginamit sa paunawang ito.
Ang Mga Karapatan Mo at Pagpipilian
Nagbibigay ang CCPA sa mga consumer (residente ng California) ng mga tiyak na karapatan tungkol sa kanilang personal na impormasyon. Para sa layunin ng Paunawa sa Pagkapribado para sa mga residente ng California, kasama sa personal na impormasyon ang "Personal na Data", "Data sa Paggamit", at "Mga Cookies" sa pagkakatukoy sa mga terminong ito sa Patakaran sa Pagkapribado. Inilalarawan ng seksyong ito ang iyong mga karapatan sa CCPA at ipinapaliwanag kung paano gamitin ang mga karapatang iyon.
Access sa Tiyak na Impormasyon at Karapatan sa Data Portability
May karapatan kang humiling na ibigay namin sa iyo ang ilang impormasyon tungkol sa aming pagkolekta at paggamit ng iyong personal na impormasyon sa nakaraang 12 buwan basta hindi napapailalim sa exception sa ilalim ng CCPA.
Mga Karapatang Humiling ng Pagtanggal
Mayroon ka ring karapatang humiling na tanggalin ang anuman sa iyong personal na impormasyon na nakolekta namin mula sa iyo at itinabi, na naaayon sa ilang exceptions.
Paggamit sa Access, Data Portability, at Mga Karapatan sa Pagtanggal
Upang magamit ang access, portability ng data, at mga karapatan sa pagtanggal na inilarawan sa itaas, mangyaring magsumite ng isang verifiable na consumer request sa amin sa pamamagitan ng:
Telepono: 1 (800) 318-2827 Ext. 121
Email: support@chess.com
Postal Address:
Chess.com, LLC
877 E 1200 S #970397
Orem, UT 84097
Para maging verifiable dapat ang hiling mo ay:
- Magbigay ng sapat na impormasyong makakapagpatibay sa amin na ikaw ang taong kinolektahan namin ng personal na impormasyon o isang awtorisadong kinatawan.
- Ilarawan ang iyong kahilingan nang may sapat na detalye na magbibigay-daan sa amin na maunawaan nang maayos, masuri, at matugunan ito.
Hindi kami maaaring tumugon sa iyong kahilingan o magbigay sa iyo ng personal na impormasyon kung hindi namin mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad para gawin ang kahilingan at makumpirma ang personal na impormasyon ay nauugnay sa iyo.
Ikaw lamang, o isang taong nakarehistro sa Secretarya ng Estado ng California na pinahintulutan mong umaksyon sa ngalan mo, ang maaaring gumawa ng isang verifiable na consumer request na may kaugnayan sa iyong personal na impormasyon. Maaari ka ring gumawa ng isang verifiable na consumer request para sa iyong menor de edad na anak.
Walang Discrimination
Hindi ka namin ididiskrimina sa paggamit ng alinman sa iyong mga karapatan sa CCPA. Maliban na lang kung pinahihintulutan ng CCPA, hindi ka namin: (i) pagkakaitan ng mga kalakal o serbisyo; (ii) sisingilin ng iba't ibang mga presyo o rate para sa mga kalakal o serbisyo, kabilang ang pagbibigay ng diskwento o iba pang mga benepisyo, o pagpapataw ng mga parusa; (iii) bibigyan ng ibang antas o kalidad ng mga kalakal o serbisyo; o (iv) imumungkahi na maaari kang makatanggap ng ibang presyo o rate para sa mga kalakal o serbisyo o ibang antas o kalidad ng mga kalakal o serbisyo.
Pagbenta sa Personal na Impormasyon Mo
Hindi kami nagbebenta, at hindi namin ipinagbibili ang iyong personal na impormasyon sa mga ikatlong partido para sa negosyo o komersyal na layunin sa 12 buwan bago ang epektibong petsa ng Patakaran sa Pagkapribado na ito, dahil nauunawaan namin ang salitang "ibenta" sa ilalim ng CCPA.
Personal na Impormasyong Kinokolekta, Ginagamit at Isinisiwalat namin
Tinukoy ng CCPA ang mga kategorya ng personal na impormasyon na protektado sa ilalim ng CCPA. Ang sumusunod na chart ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa personal na impormasyong kinokolekta namin kaugnay ng bawat kategorya at ang mga pinagmulan ng mga naturang kinokolekta naming data. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa personal na impormasyong kinokolekta namin at kinolekta namin sa 12 buwan bago ang epektibong petsa ng aming Patakaran sa Pagkapribado tingnan ang pamagat na "Mga Uri ng Data na Kinokolekta" ng aming Patakaran sa Pagkapribado. Maaari kaming gumamit ng personal na impormasyon para sa mga layuning pangnegosyo/komersyal na inilarawan sa ilalim ng pamagat na "Paggamit ng Data" ng aming Patakaran sa Pagkapribado. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano namin ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon tingnan ang mga pamagat na "Pagsisiwalat ng Data", "Mga Provider ng Serbisyo", "Ang Analytics" at "Advertising" ng aming Patakaran sa Pagkapribado.
Kategorya ng Personal na Impormasyon | PI na kinokolekta namin sa Kategoryang ito | Pinanggalingan ng PI |
---|---|---|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
CONTACT INFORMATION
Kung ikaw ay mayroong anumang mga katanungan o komento tungkol sa abisong ito o ang mga paraan kung saan ang Chess.com, LLC ay kumokolekta at gumagamit ng iyong impormasyon na inilarawan sa Patakarang Pagkapribado o naisin mong gamitin ang iyong mga karapatan sa ilalim ng batas ng California, huwag mag-alinlangang makipag-ugnayan sa amin sa:
Telepono: 1 (800) 318-2827 Ext. 121
Email: support@chess.com
Postal Address:
Chess.com, LLC
877 E 1200 S #970397
Orem, UT 84097
MGA PAGBABAGO SA ABISO SA PATAKARANG PAMPRIBADO NA ITO
Inilalaan namin ang karapatang baguhin ang aming Patakaran sa Pagkapribado sa aming pagpapasya at sa anumang oras. Kapag gumawa kami ng mga pagbabago sa aming Patakaran sa Pagkapribado, (i) ipapaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng email at/o isang kapansin-pansing paunawa sa aming Mga Serbisyo at (ii) ipo-post ang na-update na Patakaran sa Pagkapribado sa website at ia-update ang epektibong petsa ng Patakaran sa Pagkapribado. Ikaw ay pinapayuhang palagiang suriin ang Patakaran sa Pagkapribado para sa anumang mga pagbabago.
Ang iyong patuloy na paggamit ng aming website kasunod ng pag-post ng mga pagbabago ay nagpapatunay sa iyong pagtanggap sa mga naturang pagbabago.
Pribadong Patakaran para sa Chess - Maglaro at Matuto (Bersyong Arcade)
Ang seksiyon na ito ay nagsasaad ng aming patakaran sa pagkolekta, paggamit, at pagsiwalat ng data na nakolekta ng app, Chess - Maglaro at Matuto (Arcade na Bersyon), mula ngayon “ang app.” Ito ay hindi malawakang naaangkop sa website ng Chess.com o iba pa nitong mga apps.
Hindi kami kumukolekta ng anumang personal na impormasyon sa pamamagitan ng app, pero paki-review ang patakarang ito para sa mas marami pang detalye sa anong uri ng impormasyon ang maaaring kolektahin, gamitin at/o itago.
Kung pipiliin mong gamitin ang app, sumasang-ayon ka sa pagkolekta at paggamit ng impormasyong kaugnay sa patakarang ito. Ang impormasyong kinokolekta namin ay ginagamit sa pagsuporta ng aming mga serbisyo para sa laro at lalong pagandahin ang app. Hindi namin gagamitin o ipamamahagi ang iyong impormasyon sa sinuman maliban sa nakasaad sa Privacy Policy na ito.
Pagkolekta at Paggamit ng Data
Ang app ay kumakalap ng walang pagkakakilanlang gameplay data para ipadala sa Apple iCloud, upang maitala ang pag-unlad ng manlalaro (naitalang panalo) kontra sa built-in na listahan ng app ng mga pangalan ng mga computer na makakalaban. Kami (Chess.com, LLC) ay hindi nagtatabi ng ganitong uri ng datos, subalit ito ay ipinapadala sa Apple services (iCloud and Game Center) para itabi at gamitin.
Kinokolekta rin ng app ang hindi pinangalanang gamePlayerID ng user para sa “Online Play” feature ng app, kung saan ginagamit ito para lamang mapanatili ang chess skill rating habang nilalaro ang mga online games. Ito ay makakatulong na matiyak na ang mga manlalaro ay maipapares sa mga kalaban na kapareho ang antas ng kakayahan. Ang pagkolekta ng mga datos na ito ay naaayon sa malinaw na pahintulot ng user, na hiniling ng app sa simula ng paggamit nito, at maaaring wakasan kailan man sa pamamagitan ng Setting ng app (“Tigilan ang Pangangalap ng Datos”).
Ang app ay bukas sa mga manlalaro anuman ang edad sa pamamagitan ng serbisyo ng Apple Arcade at kumukolekta ito ng hindi makikilalang gameplay data mula sa lahat ng manlalaro na walang itinatanging edad. Ang basehan para sa pagkolekta ng impormasyon ay para masuportahan ang panloob na mga operasyon ng app na pinapahintulutan ng Children’s Online Privacy Protection Rule (“COPPA”), na isang lehitimong paggamit sa ilalim ng General Data Protection Regulation (“GDPR”).
Seguridad
Gumagamit kami ng mga conventional na katanggap-tanggap na pamamaraan upang ipagtanggol ang lahat ng impormasyon na nakuha namin mula sa aming mga users. Subalit, walang pamamaraan ng paghatid sa Internet o elektronikong pagtago ay 100% na ligtas at maaasahan, at hindi namin ganap na matitiyak ang seguridad nito.
Mga Pagbabago sa Privacy Policy na Ito
Maaari naming baguhin ang aming Privacy Policy oras-oras, at ipagbibigay-alam namin sa iyo ang anumang pagbabago sa pagpaskil ng mga updates sa pahinang ito. Ang mga pagbabagong ito ay epektibo agad pagkatapos maipaskil dito.
Kontakin Kami
Kung ikaw ay may anumang tanong tungkol sa aming Privacy Policy, pakikontak kami:
Telepono: 1 (800) 318-2827 Ext. 121
Email: support@chess.com
Postal Address:
Chess.com, LLC
877 E 1200 S #970397
Orem, UT 84097