I-download ang #1 Libreng Chess App

Simulan na!

ni CDScheno

Dalawang buwan ko nang ginagamit ang app na ito: gusto ko ito. Madalang lang na may problema; LAGING may laro. Arawang palaisipan at tutorials. May mga araling para sa lahat ng antas na puno ng mahusay na payo at mga istratehiya. Di ko maisip kung paano makakakita ng mali sa app na ito ang sinuman: mahusay talaga ito.

Kahanga-hangang on-the-go- Chess

ni Kat01523

Ito ay isang kahanga-hangang app ng chess on the go. Gusto ko yung pwedeng ipagpatuloy ang laro habang nasa labas ng bahay. Masaya ring makipag-chat at manood ng laro ng ibang tao. Kahanga-hanga ring app para sa mga baguhan!

Pinakamahusay na Chess App Walang Duda

ni SpecterWolf

Hindi lang pwedeng maglaro ng chess, pwede ka ring maglaro nito kung paano mo gusto! Tone-toneladang tema ang pwede mong piliin para sa iyong board at mga piyesa. May daan-daang araling makakatulong sa paghusay mo sa chess! Hindi ako kadalasang sumusulat ng mga review, pero ang mga gumawa ng app na ito ay karapat-dapat lamang na makatanggap ng review!

Kamangha-mangha

ni Ankit

Ito ay isang kahanga-hangang application para sa lahat ng antas ng manlalaro ng chess. Pinapayagan ng app na ikaw ay makipaglaro sa napakaraming manlalaro sa buong mundo. Ang galing - Aprub!

Bagong Manlalaro

ni jessewmartin

Nagdesisyon akong mag-chess ngayong taong ito at ako ay masayang-masaya sa Chess.com... Wala akong nakikitang dahilan para sumubok ng ibang app. Nandito na ang lahat ng kailangan ko para maglaro, matuto, at mas humusay. Ngayon ay naglalaro ako araw-araw.

Sa katunayan, pinakamahusay na $7 na ginastos ko ngayong buwan

ni 123456789013382

Kamangha-manghang chess app. Halos isang taon ko pa lang ginagamit ang app na ito pero tumaas na ang Elo ko mula 670 hanggang 1004 sa paggamit ng mga taktika at pagsusuri ng kompyuter.

Ano ang Chess.com?