Openings

Sort:
Atlas_Legendary_Gamer1227
Hinuli ang dalawang Bus sa EDSA Carousel dahil nahuling nagsasakay ng mga pasahero sa hindi tamang terminal, kinumpiska ang drivers license ng mga Bus Driver at inisyuhan sila ng Temporary Operators Permit na may multa, maagang nagsagawa ng operation ang mga operatiba sa EDSA Busway laban doon sa mga carousel Bus na nagsasakay ng mga pasahero sa Hindi terminal, bago mag alas sinco ng Umaga ng nahuli ang isang carousel Bus matapos magsakay ng pasahero bago pa dumating ang Guadalupe Station Southbound sa Makati, Hinarang din ang isang Bus matapos magsakay ng dalawang pasahero ilang metro ang layo sa Ortiga Station Northbound sa Mandaluyong, ayon sa mga operatiba ng special action and intelligence committee on transportation nasabi na sa mga terminal lang maaaring magsakay at magbaba ng mga pasahero ang carousel Bus, delikado kasi para sa mga pasahero na sa gitna mismo ng busway sumasakay kinumpiska ang mga drivers license ng mga nahuli, inisyuhan din sila ng Temporary operators permit o T.O.P. para sa paglabag na pick and drop of passanger outside the terminal may multa raw po ito ng Anim na libong piso, samantala muli naman po ulit nagpaalala ang SAIC sa mga Bus driver maging sa mga pasahero na sa tamang terminal lamang sumakay dahil delikado talaga kung sila ay bababa at sasakay sa gitna ng EDSA Busway, yan lamang po ang latest mula sa aming balita
ZacharyDC04
Ayo