para sa 'yo, kaibigan.....

Sort:
Avatar of edayang

 

Isang Araw, Isang Bahag-hari

                          By: Edz Dayang

 

Salamat kaibigan,

Sa iyong mga salita,

Sa pagbibigay-pugay

Sa aking nagawa.

 

Dalangin isang araw,

Nawa ay marinig,

Dulo ng iyong bahag-hari

Ay aking mawari.

 

At sa pagsikat ng araw

Sa silangang bahagi,

Kasabay ng pagtangis

Ng ulap sa langit.

 

Ito ang tanda sa aking panalangin,

Na sa kanyang pagpawi ay iyong makamit,

Ang pagsilay ng kulay

Nang aking bahag-hari.

 

Sakaling sa paglubog ng araw

Sa kanlurang bahagi,

Sumabay ang paglaho

Nang iyong bahag-hari.

 

Hayaan nating mamutawi

Sa paglipas ng tanghali

Ang pag-anib ng kulay

Nang ating bahag-hari.