Patakaran sa Patas na Paglalaro

Ang sumusunod na text ay isang saling-wikang nagbibigay impormasyon lamang. Ang tanging legal at balidong bersyon ay available sa Ingles.
Petsa ng Pagkabisa: April 21, 2022

Ang Chess.com ay may responsibilidad na panatilihing malinis at patas na plataporma para sa mga manlalaro ng chess sa buong mundo. Nirereserba namin ang karapatang pagmatiyagan ang lahat ng laro sa chess na nilalaro sa aming plataporma. Nasa amin ang karapatang baguhin ang patakarang ito anumang oras nang hindi ka inaabisuhan. Pakitingnan ang aming User Agreement para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagka-angkop at pagpapatupad ng Patakaran sa Patas na Paglalaro.

  • Ang lahat ng mga tira mo ay dapat sa iyo
  • Huwag mandaya sa anumang paraan
  • Huwag tumanggap ng tulong mula sa ibang tao, kasama na ang mga magulang, kaibigan, tagapagsanay, o ibang manlalaro
  • Huwag gumamit ng mga chess engine, anumang software, bot, plugin, o mga tools na nagsusuri ng mga posisyon habang naglalaro
  • Huwag gumamit ng mga tablebases o anumang ibang gamit na nagpapakita ng pinakamalakas na tira (sa Online at Arawang chess)
  • Ikaw ay maaaring gumamit ng Opening Explorer o ibang mga libro na walang mga pagsusuri ng engine sa Arawang chess lamang (hindi sa Online / Live na laro)
  • Huwag magsagawa ng anumang awtomatikong pagsusuri o "blunder checking" ng mga laro mong hindi pa natatapos
  • Huwag ipagamit ang account mo sa kahit na sino
  • Huwag gumamit ng account ng iba
  • Huwag manipulahin ang mga rating, matches, o resulta ng laro
  • Huwag makialam sa paglalaro ng ibang mga miyembro
  • Ang paghihinalang gumagamit ng tulong sa labas ang kalaban mo ay hindi dahilan upang gawin rin iyon. Kung may pinaghihinalaan kang nandaraya, i-report ang manlalaro sa Chess.com.

MALIBAN: Ang mga tuntuning ito ay hindi magagamit sa unrated na mga laro o mga taktika. Gayunman, kung nais mong gumamit ng tulong laban sa iyong katunggali, ipagbigay-alam mo dapat ito sa kanya sa simula pa lamang. Maaari naming palawakin o pakitidin ang anumang naaangkop na mga pasubali sa Patakaran sa Patas na Paglalaro sa anumang oras nang walang abiso sa iyo.

BABALA: Kung aming mapagpasiyahang mayroon kang nilabag sa aming Patakarang Patas na Laro, isasara namin ang iyong account at lalagyan ng tanda na ito ay isinara dahil sa paglabag sa Patas na Laro. Lahat ng mga pagbabago sa account status ay aming sariling pagpapasiya. Para sa buong listahan ng mga hakbang na aming gagawin upang masubaybayan ang iyong laro sa Chess.com at ipatupad ang aming Patakarang Patas na Laro, tingnan ang bahagi ng Termination and Account Limitations ng aming User Agreement.